Yuri's POV
Isang buwan na rin ang nakalipas mula nung sinabi ni Dyo na 'wala syang gusto sakin at hindi ko sy magugustuhan' yung totoo di ko alam kung anong nangyari sakaya, parng di nya ko kilala. Hindi ko nga alam kung di nya talaga ako kilala dahil sa isang insidente o nagpapanggap lang sya. Oo nasasaktan ako, yung dating mahal na mahal ako ni-hindi na ko kilala ngayon.
Naglalakad ako ngayon pauwi, inustusan kasi ako ni Paul na ibili sya ng mcdo, bilang mabait na ate ako eh pumayag na ko.
Habang naglalakad ako nahagip ng mata ko si Dyo, pag snuswerte ka nga naman oh.
Pupuntahan ko na sana sya kaso... May babaeng lumapit sakanya at niyakap nya aray ko... Ansakit...
Imbis na lapitan ko sya binilisan ko nalang ang lakad ko, di ko alam pero nung malapit na ako sakanila parang gusto kong huminto at sabunutan si Dyo.. Pero naalala ko wala na nga pala kami, wala na akong karapatan. Binilisan ko nalang ang lakad ko ng mabilis akong makaalpas sakanila, pagkalagpas ko umaasa akong hahabulin ako ni Dyo't sasabihing wala lang yon.. Pero para saan pa diba? Ni di nya nga ako kilala.
Ilang minuto lang din ay nakauwi na ko't pagpasok ko sabay kausap sakin ni Paul
"Oh ate! Andyan ka na pala, nakita mo ba si kuya Dyo?"
Gusto ko sanang sagutin ng.. Oo nakita ko sya may kasamang iba at nasasaktn ako dahil doon!!! Pero hindi ko masabi, ano namang alam ni Paul sa mga nangyayari diba?
"Hindi ko sya nakita Paul, bakit?" Yan nalang yung nasagot ko..
"Wala ate, nagpromise kasi sya na pupunta sya dito ngayon eh..." Paul wag kang umasa sa mga promises, nagpromise din sya sakin noon na kahit anong mangyari di nya ko iiwan... Ay nako! Kasalanan mo rin naman e, lahat ng tao magsasawa...
"Ah, sige. Antayin mo nalang, panik muna ako ah?" Andami kong gussong sabihin pero ayaw lumabas sa bibig ko. Tumango naman si Paul at agad akong pumanik...
Pagpanik ko hinagis ko nalang yung sarili ko sa higaan, ewan ko ba???
Di ko na alam gagawin ko, di ko alammmmm!!!!
Nasasaktan ako, nasasaktan ako, nasasaktan ako! Ano bang meron ka Kyungsoo? Bakit ayaw mong lubayan puso ko? Nasasaktan na ko pero bakit andyaan ka padin!!!!? Hirap na hirap na ko...
Pero kahit ganoon, di padin ako susuko. Gagawin ko lahat mapasakin ka lang.
Dahil nga sa hindi ako susuko, iisip ako ng paraan para mapasakin ka...
Eh kung ligawan ko kaya sya???? Wala namang masama? Di naman porket lalaki sya at babae ko eh bawal na? Oo masagwa, pero mahal ko sya. Siguro ngayon kailangang ako naman ang mag-effort para sakanya.