"Yuri, anong oras na? Diba 5pm usapan nyo ni Kyungsoo?" aish, si Biancs naman oh.
"Maiintindihan nya yun kung bakit ako late Biancs, nagrereview ako. Baka bumagsak ako" sabi ko. oo, I'm reviewing our lessons. 4th year student na ko, graduating at soon to be valedictorian so I need to study hard para dito sa last grading. Ayokong maging kampante there's still a chance na bumagsak kaya I need to review. Alam kong maiintindihan ni Dyo kung late ako afterall napagdaanan nya rin 'to. Dyo's a 1st year college student.
"Hay bahala ka Yuri, sinasabi ko lang sa'yo 'to... pag si Kyungsoo, naubusan ng pasensya sa'yo malaki mawawala sa'yo.. 6 na. Isang oras mo na pinaghintay yung tao" badtrip na sabi ni Biancs saka umalis. Kung di ko lang kaibigan yun iisipin kong may gusto kay D.O yun.
Iniligpit ko na lang lahat ng gamit ko at inilagay sa bag ko, masyado na nga akong late. Pupuntahan ko na nga sya...
Dumating ako sa restaurant na sinabi nya then I saw him..
"Hi D--"
"Yuri, I'm tired" bigla nyang sabi
"Tired of what?" tanong ko..
"Yuri, di pa ba obvious sa'yo? Pagod na ko, pagod na pagod na ko sa kakaintay sa'yo, sa kakasunod, sa kakaintindi sa lahat... Yuri...." bigla syang yumuko... sht... "Sorry, pagod na ko... I'm breaking up with you..." sabi nya... sabay tulo ng luha sa kanang mata nya..
nagumpisa na 'kong maluha..
"B-break? A-akala ko ba mahal mo ko? Ba't di mo ko maintindihan?!" Medyo mataas na boses 'kong sabi..
"Yuri, mahal kita. Mahal na mahal.. pero.. S-sorry Yuri, I'm so sorry... tao din ako Yuri... napapagod ako, nasasaktan.. Alam kong di ako yung priority mo, kaya Yuri.. I'm setting you free.. I love you..." sabay yakap nya "Mag aral kang mabuti... mahal na mahal kita... B-Bye" at tuluyan nya na 'kong tinalikuran..
napaupo ako sa upuan sa tabi ko, nanghihina ako... bigla akong may nakitang box sa table.. kinuha ko to't binuksan.. y-yung nasa box, ito yung kwintas na gustong gusto ko...
lalo lang akong nalungkot...
-
natapos na ang lahat, lahat lahat. Naka Graduate ako ng hindi ko naramdaman si Kyungsoo. Namimiss ko na sya, namimiss ko na ang number one fan ko. Kung naging matino't maayos lang siguro ako sakanya.. Siguro, masaya ako ngayon?
"Huy! Ano ba iniisip mo?" si Bianca pala..
"Wala.. ano? May gagawin pa ba?" tanong ko
"Wala na, hahaha. Alam kong iniisip mo si Kyungsoo.. tama na. Wala na, nasayang mo na. Binalaan na kita dati e, kaso di ka naman nakinig. Sige, una na ko ha? Uwi ka na rin." sabi nya't lumabas na.
tama sya, nasayang ko na si Kyungsoo. Ilang beses na 'kong pinagsabihan ni Bianca, ilang beses na pero di ako nakinig. Akala ko kasi andyan lang si Dyo para sakin lagi, akala ko kaya nya, akala ko di nya ko iiwan. Nakalimutan kong tao din si Dyo, marunong masaktan, makaramdam, mapagod. Gago ako e, hahaha! Ayan na yung good, parang itinaboy ko pa. Mahal ko si Dyo, pero hindi ko alam kung pano ko ieexpress yung nararamdaman ko, mahal ko sya kaso parang di ko yun naiparamdam sakanya samantalang sya halos ibigay nya na lahat sakin,
F L A S H B A C K
3rd year hs ako at 4th si Dyo. Naglalakad kami ni Dyo papuntang school ng may naalala ako,
"Hala, naiwan ko yung project ko sa bahay!" bigla kong sigaw.
"Uhh, naiwan mo. Sige pasok ka na, ako na kukuha" volunteer nya
"Hah? Eh malelate ka magbebell na kaya" sabi ko.
"Okay lang malate ako, wag ka lang ma-zero. Okay? Sige, pasok ka na. Una na ko ha? Dadalhin ko na lang sa room mo." sabi nya sabay lakad papunta sa amin...
E N D O F F L A S H B A C K
Naalala ko nga nung hinatid nya sa classroom yun kilig na kilig at inggit sakin mga kaklase ko, kesyo ang gwapo daw ng boyfriend ko, ang ganda daw ng boses.. natuwa naman ako, kaso dahil dun sa araw na yun bumagsak si Dyo sa 3 major subjects nya, may long quiz pala sila't may ipapasang project kaso dahil sa project ko di na napasa ni Dyo yung sakanya, di pa sya nakapag-take ng long quiz kaya 3 teachers ang nagbagsak sakanya, sa kabila ng lahat ng yun okay lang daw sakanyang sya yung bumagsak wag lang ako.. Isinasakripisyo nya lahat para sakin, miske pagkaing kakainin nya ibibigay pa sakin, minsan sa sobrang busy ko kakareview sya gumagawa ng ibang projects ko, Kaya nya talaga isakripisyo lahat, lahat lahat. Kaso gago ako, di ko nakita yun dati. Nakita ko lang lahat ng yun kung kailan wala na sya, iniwan nya ko.
San kaya nagpunta yun? Pagtapos ng araw ng hiwalayan hindi ko na sya nakita pa.. nagaalala nga ako para sakanya, out of reach na rin ang mobile number nya.
Namimiss ko na sya at hanggang ngayon mahal ko pa din sya.
"Lord, sana makita ko po ulit sya. at sana mapatawad nya po ako. Promise po gagawin ko lahat maiparamdam ko lang na mahal ko sya, na mahal na mahal ko po sya mula noon hanggang ngayon. Sana po magkita ulit kami." bigla kong dasal.
sana talaga, Kyungsoo.. sana..
**end of chapter 1
hehehehehe :)