Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto ng aking kwarto.
"Jazmin! Ano ba? Hindi ka pa babangon diyan?!" pasigaw na tanong ng nanay ko na nanggagaling sa labas.
Inaantok kong inabot ang aking cellphone sa side table ng aking kama para malamang alas siyete pa lang ng umaga, inuubos na niya ang boses niya sa'kin.
"Aba'y magkilus-kilos ka na't aalis kami ng tatay mo! Tanghali na!"
"Opo, babangon na." I answered, still half asleep.
Kahit hinihila pa ko ng higaan ay iyon nga ang ginawa ko. Alas diyes pa ang pasok ko sa school pero naligo na lang ako ng maaga para mawala ang aking antok.
"Hay! Ewan ko ba diyan sa anak mo, kay bagal kumilos. 'Di na nagtanda!" rinig kong sabi ni mama na si papa yata ang kausap. Nakita kong nakaharap siya sa salamin na nakasabit sa dingding ng sala habang sinusuklay ang basang buhok. Si papa naman ay nagkukumahog sa pagsuot ng sapatos. Naghahandang umalis para sa pupuntahang business conference ng kumpanyang pinapasukan nila.
Nakatira kami sa isang village dito sa Maynila, ngunit hindi gano'n kalaki pero hindi rin naman maliit ang aming bahay, isang palapag lamang. May tatlong kwartong tig-isa kami ng ate ko and the other one is for our parents.
Palaging ganito ang naririnig ko paglabas ng kwarto. Mga masasakit na salitang ginawa na yata nilang hobby tuwing umaga, siguro ay 'yun ang kumukumpleto sa araw nila.
"Oh! Mabuti naman at lumabas ka na rin. Mag-umpisa ka nang maglinis. You already know what to do. Dapat pagbalik namin ng tatay mo, wala ng kalat ang bahay. Do you understand?" bilin niya habang nakaharap pa rin sa salamin pero nagsusuot na ng hikaw ngayon.
"Opo," sagot ko na hindi niya yata narinig.
"Do you understand?" may diin nang ulit niya sabay striktang humarap sa'kin. Done with her earrings.
"Yes, Ma," medyo malakas ko nang sagot, pero may respeto pa rin.
"Hon! Let's go, mali-late na tayo!" rinig kong sigaw ni papa na hindi ko namalayang lumabas na.
Sinundan ko si mama hanggang sa pintuan habang nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Nakita kong naghihintay na ang shuttle service ng employees ng kumpanya na sumusundo palagi sa kanila araw-araw.
Marami pa siyang binilin bago lumabas ng gate at sumakay sa service nila, pero isa lang ang tumatak sa isipan ko. 'Wag ko raw istorbohin si ate sa pagtulog dahil pagod siya sa school.
Napabuntong hininga ako. I really hate the feeling of being insecure but I can't stop my self from thinking...
Ako rin naman ah, pero bakit parang bawal akong magpahinga?
Matagal ko nang napapansing iba ang turing sa'kin ng pamilya ko. Simula nung nagkaisip ako until my eighteenth year of existence and counting, maybe? Ibang-iba sa turing ng mga magulang sa mga anak nila. They never cared for me like how they always did with my sister. Ni hindi nga memorable ang 18th birthday ko. Lumabas lang kami't umuwi rin agad dahil sa mga business meetings nila. But I always turn a blind eye into what's really going-on, at iniisip na lang na baka nga sobrang busy nila sa trabaho na 'di na nila kayang bigyan ako ng kahit konting oras.
Binibigyan naman, pero nakalaan na 'yon sa kanilang mga utos at sermon.
Okay na siguro 'yon diba? At least napapansin pa rin nila ako. At least I know they know that I still exist in front of them.

BINABASA MO ANG
Light That Surrounds
Teen FictionI never thought of winning in anything. Useless, unworthy; a failure... that's it. That's what they say about me. My family to be specific. Reason why I distance myself from everyone. But everything has changed when I start allowing myself again...