Himala.
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin pagsapit ng umaga.
Sa sobrang dalas kong masermonan na kahit paggising ko pa lang, hindi na ko sanay nang hindi naririnig ang boses ni mama.
Pero kahit gano'n ay ginawa ko pa rin ang mga dapat kong gawin sa bahay bago mag-asikaso para sa pagpasok sa eskwelahan, ngunit hindi pa rin lumalabas sina mama sa kanilang kwarto.
Siguro'y napuyat sa trabaho. Anong oras naman kaya silang umuwi kagabi?
I also wonder if my sister's already home.
Hindi na ko nag abalang katokin pa ang kanilang mga silid. Naghanda na lang ako ng breakfast at inilagay sa dining table para paggising nila'y kakain na lamang sila.
Pagkasukbit ko ng aking bag, naghahanda sa pag-alis ay siyang pagpasok ng aking mga magulang mula sa labas ng bahay. I looked at them confused because they were still wearing the same from yesterday.
"Kakauwi niyo lang po?" naguguluhan kong tanong habang nagmamano sa kanilang dalawa.
"Oo," pagod na sagot ni mama pero nakuha pa ring magtanong. "Where's your Ate? Pumasok na ba?"
"What's for breakfast? Gutom na ko," biglang tanong ni papa at naglakad patungong kitchen.
Sinagot ko muna siya bago muling humarap sa nanay kong nagtatanggal na ng office coat para isabit sa aming coat rack. "Ah... pinapasabi nga po pala ni Ate Janine kahapon na ngayong araw raw siya makakauwi---" naitikom ko bigla ang aking bibig nang humarap siya sa'kin gamit ang mga matang nanliliit.
"Umalis siya kahapon? Nandyan na ba?"
"H-hindi ko pa po sinilip," pagkasabi ko niyan ay agad siyang tumungo sa pinto ng kwarto ng kapatid ko at kumatok habang tinatawag ang ate sa loob.
Pinapanood ko lang siya habang ginagawa 'yon hanggang sa hindi na nakatiis ay binuksan niya na ang pinto gamit ang extra key.
Nang masilip na ang buong silid mula sa pintuan ay isinara niya itong muli. Saglit siyang napatingin sa kawalan, bumuntong hininga bago muling humarap sa akin.
"Papasok ka na, diba?" kunot noo akong tumango. "Sige na, baka mahuli ka pa sa klase mo."
Pagkatapos ay tumalikod na siya at dumiretsong dining table para makapag-almusal na rin. Narinig ko pang nagtanong sa kanya si Papa about kay Ate Janine at doon ko lang nalamang hindi pa pala siya nakakauwi.
This was not really the first time na aabutin siya ng umaga sa pag-uwi. She's a college student, anyway at may mga times talaga na kailangan nilang mag overnight with her classmates para matapos agad ang school works nila.
But she always update our parents directly. Ngayon lang talaga hindi.
And then it hit me. Kahapon , may sumundo nga pala sa kanyang may mamahaling kotse. Sino naman kaya iyon?
Tanghali nang matapos ang second subject namin sa araw na ito. It's already our breaktime kaya tumungo na ko sa malaking cafeteria ng school para bumili ng pagkain. Marami ng estudyante ang nasa loob pero may iilang vacant tables pa rin naman kaya pagkatapos makabili ay namili na ko ng uupuan.
I was busy eating my food when I noticed a group entered the cafeteria. Medyo malayo ang pwesto ko pero halos kaharap ko lang ang pintuan kaya makikita agad ang mga papasok kung pagtutuunan ng pansin.
It was the band.
There are four of them and Rhea is the only girl.
I watched as some students flocked to them to congratulate the band for joining a contest again. Samantalang ang iba naman ay upang makapagtanong.
"Bakit kayo lang? Nasa'n yung vocalist niyo?"
"Totoo ba yung rumor na nagtransfer na sa ibang school si Eula?"
"Hala! Pa'no na pala yung contest kung wala si Eula?"
"Ako na lang gawin niyong vocalist para lagi akong makasama ni Zen!" dinig ko pang biro ng isang bakla bago sila nagtawanan.
Iiiwas ko na sana ang aking mata para magpatuloy sa pagkain nang magtama ang paningin namin ni Rhea.
She waved and smiled at me bago nagpaalam sa kaniyang bandmates na pupuntahan lang ako saglit.
Nakita kong napatingin ang tatlo sa akin ngunit hindi rin nagtagal 'yon.
Maliban sa isa.
He stared at me as if I'm some kind of a foreign thing he just saw for the first time.
Sigurado ako na sa'kin siya nakatingin dahil pader na ang nasa likuran ko at wala namang nakaupo sa tables malapit sa'kin.
Seryoso niya kong tinititigan kaya hindi rin ako nagpatalo. Later on, I frowned at him at para siyang natauhan kaya mabilis na iniwas ang mga mata.
I suddenly took a deep breath before drinking water from the bottle I bought earlier. Bigla akong inuhaw.
What was that?
If I'm not mistaken, that was Gio Ivan Alonzo. He's ahead of my age but we're in the same level kagaya nung tatlong kaedad ko lang. Alam ko dahil nakalagay ang pictures nila with their names, age, and grade levels sa malaking bulletin board na nakapaskil sa pader ng campus' main hall, to acknowledge them as the school's band members.
And he's the band's Guitarist.
I will not deny that he has the looks girls would definitely like. He has brown eyes with thick lashes at saktong kapal na mga kilay. A narrowed nose, pefectly defined jawline, kumpletong mga ngipin, and his thin lips na talaga namang bumagay sa kanya. And he's thick and wavy hair always kept unruly unless it's lord will dominate it.
"Hey, Jaz! Do you mind if I join you?" nabalik lamang ako sa katinuan nang nakalapit na sa pwesto ko si Rhea.
"Uh... no, it's okay." I answered and gave her a small smile kaya hinila niya na ang katabing upuan sa table ko with a big smile plastered on her face.
-------------

BINABASA MO ANG
Light That Surrounds
Novela JuvenilI never thought of winning in anything. Useless, unworthy; a failure... that's it. That's what they say about me. My family to be specific. Reason why I distance myself from everyone. But everything has changed when I start allowing myself again...