"Join our band!"
Paulit-ulit na nag eecho sa utak ko ang pag-aaya niya sa'king sumali sa banda nila habang pauwi ako sa bahay.
A part of me wants to accept her offer immediately dahil baka ito na ang chance ko na mapatunayan ang aking sarili sa aking mga magulang. But it fade eventually dahil sumibol na ang takot ko sa lahat ng maaaring sumunod na mangyari.
"Uh... s-sorry, I can't." nauutal akong tumanggi.
"What?! Who says you can't? I'll murder them," biro niya pa pero hindi ko magawang matawa dahil confused rin ako kung bakit kailangan pa nila ng vocalist, eh sa pagkakaalam ko kumpleto na sila.
They even perform flawlessly on our school's stage for New Year's Celebration nung nagpasukan na ulit last last week.
Pinanliitan niya ko ng mata. "Hmm... base sa itsura mo, I think you're curious about the band's vocalist, am I right?" she didn't give me a chance to answer. She put her two hands on her waist then took a deep breath before talking again. "Nagtransfer na siya," simple niyang sinabi pero halatang dissapointed sa nangyari.
Yan ang huli naming pinag usapan bago niya ko pinilit ulit na sumali sa kanila. Mayroon lamang silang higit tatlong buwan para magprepare para sa BOTB. She even blackmailed me na ako raw ang sisisihin niya pag nadisqualified ang school namin sa contest dahil wala silang vocalist na maiharap.
Hindi na ko nakasagot sa kanya dahil kanina pa raw siya nagtitiis na hindi magbanyo, kaya hinayaan ko na lang siya't lumabas na para pumasok sa susunod na klase.
Hapon na pero maliwanag pa rin ang paligid nang makarating ako sa bahay. My parents aren't here yet because they usually come home around nine o'clock kaya naman sa labas na rin sila madalas nagdidinner.
"Oh, Ate? Sa'n ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?" kunot noo kong tanong nang makasalubong ko siya'ng palabas naman ng bahay. I looked at her from head to foot. Bihis na bihis, may dalang maliit na backpack, at parang malayo ang pupuntahan.
"Bukas pa ko uuwi. Just tell them," she said, talking about our parents saka ulit mabilis na lumakad palabas ng gate.
And that's when I noticed a surely expensive red car parked near our house, kung saan pumasok si Ate Janine bago ito humarurot paalis.
Hindi lingid sa kaalaman ko na maraming manliligaw ang kapatid ko. Palagi ba namang pinupuntahan dito sa bahay, sinong hindi makakaalam? Yun nga lang, she always reject her suitors before. Ngunit iba ang nakita ko ngayon.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nangyari at dumiretso na sa'king kwarto para makapagbihis.
Hinayaan kong bumagsak ang sarili sa kama pagkatapos kong magpalit ng pambahay. Ang mga kamay ay nasa ibabaw ng aking tiyan, while my legs are swinging at the side of the bed.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung tatanggapin ko ba ang offer ni Rhea. Thinking that I should give it a try but I can't rid of the possibilities that might happen.
What if my parents won't allow me again?
Pwede ko namang hindi sabihin pero pa'no kung malaman din nila kalaunan? Hindi ko kayang isiping sa iba pa nila malalaman ang pinasok ko dahil mas lalo lang silang magagalit sa'kin, at ayokong mangyari 'yon. Masyado ko silang mahal para dagdagan pa ang galit nila sa'king hindi ko naman alam kung saan nagmula.
Paano rin kung dumating ang panahong tama pala sila sa mga iniisip sa'kin? I can't bear the heaviness while seeing people failing and hurting because of me.
Ito ang dahilan kung bakit nilalayo ko ang sarili ko sa lahat. Natatakot ako. Natatakot ako hindi para sa'king sarili, kundi para sa mga taong maaaring masagasaan ko.
I felt a tears fall from the side of my eyes bago ako nakatulog dahil sa naramdamang pagod.
I woke up at exactly seven o'clock in the evening. I tied my brown long wavy hair first before going outside my room.
Tahimik dahil ako lang ang tao sa bahay. Dumiretso ako'ng kusina upang magluto ng hapunan para makakain na at para na rin may makain sina mama at papa mamaya kung sakaling dito sila magdidinner sa bahay.
Habang hinihintay kong maluto ang adobo ay nagscroll muna ako sa Facebook nang may nag pop-up sa notification ko na isang message request galing sa messenger. So I clicked it out of curiosity at dinala ako sa pangalang Rhea Elaine Madison.
Mukhang alam ko na pakay nito.
At tama nga 'ko.
Rhea Elaine:
Hi, Jazmin! Sorry to disturb your rest. Please, open my message. I just wanna ask if napag-isipan mo na yung offer ko? Hehe :D
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tatanggapin ko ba o hindi, pero nagreply pa rin ako.
Ako:
??
Agad din naman siyang nagreply nang makita ang aking message.
Rhea Elaine:
Hmm... is that it? Okay. I'll just wait for your decision, then. But I'm really hoping you'll join us. Have a good night! :)
Tinignan ko ang niluluto kong adobo na mukhang tapos na kaya hindi na ko nakapagreply pa sa huli niyang message.
It's already nine p.m. nang matapos ako sa pagkain pero walang dumating na matatanda sa bahay. Siguro'y sa labas ulit sila nagdinner o kaya naman natraffic sa daan ang sinasakyang shuttle service kaya hindi agad makauwi.
Hinugasan ko na lang ang aking pinagkainan bago ako pumasok muli sa kwarto upang gawin ang homeworks hanggang sa dinalaw muli ng antok pagkatapos.
-------------
BINABASA MO ANG
Light That Surrounds
TienerfictieI never thought of winning in anything. Useless, unworthy; a failure... that's it. That's what they say about me. My family to be specific. Reason why I distance myself from everyone. But everything has changed when I start allowing myself again...