Chapter 03

34 4 3
                                    


Hindi naman siguro siya nakikipagkaibigan, diba?


Nilalapitan niya lang naman ako dahil may kailangan siya sa'kin simula nung narinig niya ko sa restroom. At kung hindi 'yon nangyari, she'll never even know that I exist.


So it's certainly not for friendship.


Oo, tama. Iyon lang ang dahilan niya kaya hindi ko na kailangang mag-isip pa ng kung ano.

Kaya sige, hahayaan ko siya. I will let her approach me at any time until I've finally made up my mind.

I still can be civil pa naman without being attached to anyone. 'Yon ang importante.


"Bakit hindi ka muna bumili? You not gonna eat? Or... you have lunch with you?" tanong ko kay Rhea nang makaupo na siya sa tabi ko.

Hindi kasi ako sanay nang may kasamang hindi kumakain habang ako ay gano'n ang ginagawa. I don't know but for me, I'd look rude.


Pinatong niya ang kaniyang mga braso sa mesa bago sumagot. "Ah, wala. Pinakiusapan ko na lang kanina sila Adi na bilhan din ako."

Tumingin siya saglit sa counter kaya napatingin din ako at nakitang nakapila na ro'n ang bandmates niya.


"So, kamusta ka naman?" I looked at her again and see the smile remained on her lips. "Mag-isa ka yata?"


"Uh..." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang naghahanap ng mga tamang salita dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. I cleared my throat, after. "I'm not really fond of being with anyone... pero ayos lang naman ako."

Susubo na sana ako sa kinakain kong carbonara pagkatapos sumagot nang mapansin ko siya sa gilid ng aking mata. I slowly looked at her just to saw that her smile disappeared at medyo nanlaki rin ang mga mata na parang may napagtanto.


"Oh my gosh! Am I being clingy? Galit ka na ba sa'kin? Hala!" her sudden hysterics made me flinch. Nakahawak pa ang mga kamay sa kaniyang dalawang pisngi.

Nabitawan ko ang hawak kong tinidor at napatingin sa paligid dahil baka may makarinig sa'min sa biglaan niyang paghihisterya. Nakakahiya. 


Buti na lang at medyo maingay na dahil dumarami na rin ang estudyanteng nagmemeryenda kaya wala masyadong nakarinig bukod sa dalawang babaeng kakaupo lang malapit sa pwesto namin. Pero agad din naman kaming ipinagsawalang bahala.


"I'm really sorry... do you think I should leave?" tanong niya ulit na parang maiiyak na. "C'mon, let me hear your thoughts."

Pagilid akong humarap sa kaniya para makausap siya ng maayos. I tried not to stutter but it didn't go well. "N-no... hindi sa gano'n. Please, don't get me wrong. I just said that because that's what I feel," maingat kong paliwanag. "Trust me, I'm fine. Ok lang talaga..." napakurap ako't napaiwas ng tingin sa kaniya, "...n-na n-nandito ka."

Napabuntong-hininga ako pagkatapos.


Ano ba 'tong ginagawa ko? I don't even know why I'm explaining myself here.


Kaya ko namang um-oo sa huling tanong niya eh, pero hindi ko magawa. Dahil para sa isang babaeng may maganda at supladang mukha... she's actually a jolly, soft-kind-hearted-girl. And I think that makes her even more prettier.

Light That SurroundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon