Chapter 04

15 2 0
                                    



It's just 3:30 in the afternoon nang matapos ang huling klase namin. Maaga pa para mag uwian pero niligpit ko na ang aking mga gamit nang bigla akong tinawag ng teacher namin.

Inangat ko ang tingin ko sakanya bago lumapit sa teacher's desk kung saan siya nakaupo. May iilan pa akong mga kaklase sa loob na naglilinis at nagkukwentuhan pero dahil siguro'y ako ang pinakamalapit sa kanya ay naisipan niyang ako ang tawagin.

"Bakit po?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang upuan at nilahad sa'kin ang isang makapal at itim na book binder. "May I ask you to bring this to Mr. Galvez? Nasa faculty lang siya. I have an emergency kasi na kailangang puntahan agad at hindi ko na magawang dumaan 'don," pakiusap niya.

"No problem, Ms. Jane. Ito lang po ba?"

"Yes. Thank you, Ms. Amaris!" sagot niya bago tuluyang magpaalam sa amin.

Maya-maya'y lumabas na rin ako sa classroom naming nasa third floor at bumaba patungong faculty. Medyo malayo nga ang faculty room sa pinaka corridor palabas ng building kaya kung nagmamadali ka talagang umuwi ay hindi mo na iisiping dumaan pa rito.

Mabilis ko lang na naiabot ang binder dahil hinihintay na rin pala ito ni Mr. Galvez kaya nakaalis din ako agad.


"Ano? Wala pa rin tayong pamalit kay Eula?"

Nakayuko ako habang naglalakad nang mapahinto dahil sa pamilyar na pangalang narinig mula sa isang nag aalalang tinig.

Lumingon ako sa'king kaliwa at nakita ang pinto ng Music Club na may kaunting awang, hindi siguro naisara ng maayos. Sinadyang i-soundproof ang club na 'to upang hindi makaistorbo sa mga mga nagkaklase kapag nagpapractice ang mga nasa loob. Pero kung bubuksan ang pinto kahit na maliit lang ay maririnig agad ang mga ginagawa ng club members.

I know it's rude to eavesdrop, hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili kaya lumapit ako ng konti pa sa pinto para mas marinig ang pinag uusapan sa loob.


"Magpa-audition po kaya tayo, Sir?" suggest ng sa tingin ko'y si Zen, "Ipaalam natin sa student council para matulungan nila tayong mag set-up. What do you think po?"

"You have a point... pero ang tanong kung hanggang kailan? Makakaasa kaya tayong makahahanap agad ng papasa bilang vocalist? Kaya nga I'm asking if you have a friend or anyone you know in this school in the same grade as you who can sing different genres of music and is willing to join the band. Because as much as possible, we need to practice earlier dahil meron lamang tayong three months to prepare before the contest." rinig kong mahinahong pagpapaliwanag ni Sir Jeofrey, ang head ng club.


Saglit na binalot ng katahimikan ang mga nag-uusap sa loob.

Balak ko na sanang magpatuloy sa paglalakad sa pag aakalang tapos na silang mag usap nang may magsalitang muli, "I-I'll try to convince my f-friend, Sir." It's Rhea's stuttering voice.


Teka...


Is she referring to me?


But she said 'my friend'. Am I her friend?



I think not...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Light That SurroundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon