CHAPTER 17

37 2 1
                                    

[deniece's POV]

napabanggon ako sa sinabi ni lyza. kasi naman diba? hindi nga kami ok tapos ngayon gusto niyang mag usap kami? ano siya baliw? -.- kaloka tong babaeng to forever!

"sige" sabi ko na lang para matapos na din to. pagkasabi ko nun hinila niya ko papunta sa labas. hindi na ko naka angal pa. dinala niya niya ako sa isang tahimik na lugar sa resort. since gabi naman na wala na masyadong tao sa may pool kaya dun kami nagpunta. tumigil kami sa mismong lugar na itinulak niya ako. nakatayo lang kami dun nang bigla siyang nagsalita

"deniece.. itulak mo na ako dito sa pool gaya ng ginawa ko sayo kanina" sabi niya nang nakatingin ng mabuti sa mata ko

nagulat ako sa sinabi niya. ano ba ang gusto niya mangyare? bakit niya sinasabi to? loka loka ba siya? bat ko naman gagawin yun no?? "uhm. bakit?" sabi ko na lang

"kasi gusto ko bawian mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo. naging selfish ako. alam ko yun. kaya andito ako ngayon nagsosorry sayo kasi narealize ko na mas mahalaga yung friendship natin kaysa sa kung ano mang meron samin ni paolo" sabi naman niya. napansin ko ding medyo may namumuo ng luha sa mga mata niya. ang ginawa ko na lang. niyakap ko siya. mahigpit na yakap. that says it all.

para sa akin kasi, mas importante yung pimagsamahan namin ni lyza kaysa sa problema namin. ang importante eh yung nagsorry siya at nagpakumbaba siya. "ly wag mo ng isipin yung dati. ang importante ngayon bati na tayo" sabi ko habang nakayakap

"namiss kita bes" sabi naman niya

"namiss din kita :)" ako

so yun nga at naging ok kami ni lyza. sinabi na din niyang papabayaan na niya kami ni paolo. pero kung siya daw ang tatanungin si mike daw ang gusto niya para sa akin. natawa naman ako kasi buti pa siya may desisyon na eh ako mismo wala pa haha. syempre kwinento ko din sakanya tungkol dun sa eleven signs na hihingin ko pero hindi ko sinabi kung ano yung mga signs na yun. mas safe kung ako lang talaga ang nakakaalam. after naming mag usap eh bumalik na kami sa kwarto.

"goodnight bes :)" lyza

"goodnight din bes :)" ako

**

[lyza's POV]

*yawn*

*stretch*

*stretch*

ang sarap ng tulog ko. bakit? kasi ok na kami ni bespren. ang sarap sa pakiramdam na ok na ang lahat. that everything's in place. except my love life haha well anyway marami pa namang oras para dyan eh :) ang importante ngayon matulungan ko si deniece magdecide kung sino ang pipiliin niya. oh db? haba ng hair!

bumangon na ko mula sa kama. nakita ko namang tulog pa si deniece at jane kaya di ko na muna sila ginulo. mukhang pagod ang dalawang to. haha. dumeretsyo na ako sa cr para maligo,magtoothbrush at kung ano ano pa. pagkatapos ay lumabas na ako at dumiretsyo sa beach. since 6 pa lang naman konti pa lang ang tao sa labas. umupo ako sa sand at nagmuni muni nang biglang may kumalabit sakin. paglingon ko nakita ko si paolo. umupo naman siya sa tabi ko

"oh pao ang aga mo ata?" sabi ko sakanya

"hmmm. gusto ko kasi maglakad lakad eh. ikaw? bat ang aga mo?" sabi naman niya

"wala lang. trip lang hehe" sagot ko

medyo tahimik lang kami. di ko alam kung awkwardness ba yun or wala lang talaga kaming masabi sa isa't isa pero ewan ko ba kung bakit parang ok lang kahit wala kaming pag usapan.

"umm lyza. kamusta pala kayo ni deniece?" tanong niya sakin. tapos bigla kong naalala na hindi ko nga pala nakwento yung kagabi. jusko ang bata ko pa makakalimutin na ko. >_<

one new message (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon