AN:
PLEASE READ THE AN AFTER THE UPDATE
thanks!
-chey
**
hinila na niya ako papalayo
"wag na wag kang lilingon"
yun lang ang sinabi niya
yun lang pero ibang klase yung dating
bakit ba niya ako prinoprotektahan?
bakit ba ayaw niya ko masaktan?
eh sinasaktan ko lang naman siya
puro sama ng loob lang naman naibigay ko sakanya
hindi ko siya maintindihan..
ganyan ba yung totoong pagmamahal?
o martyr lang talaga tong taong to?
pinaupo niya ko sa isang bench sa labas na ng school
"ok ka lang?" tanong niya
"bakit mo ba ako prinoprotektahan mike? bakit ba hindi ka galit sakin kasi hindi ikaw ang mahal ko?"
yan ang nasabi ko sakanya
"kasi nga mahal kita. kasi pag nasasaktan ka mas nasasaktan ako. kasi pag nakikita kong malungkot ka mas doble yung lungkot ko. mas gugustuhin ko ng maging masaya ka sa ibang lalake kaysa makitang malungkot ka kapag ipinilit ko pa yung sarili ko. kaya eto na lang ang magagawa ko. ang maprotektahan ka"
may luha na namumuo sa mga mata ko
tumungo na lang ako at wala ng nasabi
bakit ba kasi kailangang may masaktan pa pag nagmamahal ka?
bakit?
"deniece kung gusto mong mapag isa naiintindihan ko. sige aalis na muna ako"
"w-wag. mike p-pwede bang samahan mo lang muna ako?"
"oo naman"
"may mga gusto akong sabihin sayo"
"ano yun?"
"salamat"
"para saan?"
"kasi pinagtiyatiyagaan mo ko eh"
"hindi naman kita pinagtiyatiyagaan ah.wag na wag mong iisipin yan"
"salamat din kasi lagi kang nandiyan"
"hinding hindi ako mawawala sa tabi mo hanggat hindi mo sinasabing lumayo ako"
niyakap ko siya
mahigpit na yakap
na tingin ko ay ikinagulat niya
at habang nakayakap sakanya tumulo ng tumulo ang luha ko.
bumitaw siya at may kinuha sa bulsa
inabot niya sakin yung panyo niya
"salamat" sinabi ko sabay kuha
pinunasan ko mga luha ko
"oy deniece! wag ka na umiyak. may pupuntahan pa tayo diba?"
nakangiting sabi ni mike
"hehe oo nga pala. pasensya na ha" sabi ko naman
pinilit kong ngumiti para sakanya
kasi ayaw ko na siya masaktan eh
eh kung bigyan ko kaya siya ng chance?