CHAPTER 19

16 0 0
                                    

[Paolo's POV]

Andito na kami ngayon sa gym kung saan gaganapin ang aming mini sportsfest. Sobrang saya :) yung tipong kahit manood ka lang eh matutuwa ka na!

Nasa first event pa lang kami kasi medyo natagalan sa opening remarks at pag explain ng mga rules at syempre nung mga prizes. Yung first event ay volleyball kung saan kasali si Lyza.

Todo cheer sila Deniece at Jane sakanya kahit kalaban na team siya. Nakakatuwa tignan. Syempre pa at pati kami dito nagchcheer din para sa medtech.

Masarap kaya ang buffet! Hehe so anyway ang kalaban namin ay ang mga bio. Magagaling sila pero mas magaling kami

[iac: lakas mo ah? -.-]

Oo naman! Confidence pare! Pero medyo kinakabahan din ako kasi after ng volleyball ay basketball na. Kung saan ako naman ang kasali. Ang kalaban namin ay radtech.

Medyo magagaling ang players dun kasi yung iba nakasali na sa intrams. Pero ok lang yan basta andyan ang fans ko. Pwede na!

[iac: fans?sure ka?]

Tch. Wag ka ngang kontra author! pero syempre ang pinakamahalaga ay ang magcheer para sakin si Deniece :)

Daig ko pa siguro ang nanalo sa lotto pag ganun!

**prrrrrt**

Tapos na ang game! Nanalo ang medtech!!! Yes!

Lahat nagsisigawan at nagchant ng cheer ng mga medtech. Wala eh. Ganyan talaga kami. Champions!

Bale ang next game na volleyball pharma vs radtech.

Sa kalagitnaan ng laro nila, Tinawag na kami para mag warm up sa covered court 2 kasi first game kami ng basketball. Kaya mamaya niyo na ulit ako kausapin kasi warm up muna ok? Hehe bye

[Deniece's POV]

Nanalo ang medtech kanina sa first game ng volleyball. Masaya kami para kay Lyza :) pero ngayon si Jane naman ang kasali sa volleyball. Bale pharma vs radtech ang labanan syempre ladies division.

After ng game na to elimination round na ng basketball. Unang maglalaro si paomybabylabs hahaha. Oh bakit? Bawal bang tawagin siya ng ganyan? :p

yun nga at ichcheer ko siya ng bongga mamaya para naman galingan niya diba?

[iac: feelingera te?]

Hoy! di naman sa feeling pero totoo naman kasi :p walang kontrahan!

Back to reality. Eto ako at sigaw ng sigaw ng "GO JANE GO!!!" at ng "PHARMA! PHARMA! PHARMA!" baka nga mamaya walana kong boses kakasigaw dito eh -.-

Kung nagtataka kayo kung ano namang sport ko eto na at sasabihin ko na. ang totoo kasi niyan ay over qualified na ko sa lahat ng sport event kaya di na nila ako sinama. Baka daw kasi mapahiya masyado yung mga kalaban. alam niyo naman. ayaw nama naming magyabang diba?

[iac: so di pa pala pagyayabang yan? at please lang paki explain lang yung totoo. salamat!]

Kahit kelan talaga tong si author.di ba pwedeng mangarap?

Ok ok! ang totoo niyan eh hindi nama talaga ako masyadong sporty pero sa badminton ako kasama. isa kasi yun sa mga nilalaro ko. Mas mahilig ako sa performing arts kaysa sa sports pero may alam din naman ako kahit papaano. nagbabadminton ako, nagsswimming, table tennis at golf. may skill din ako kahit papano sa basketball pero pagdating sa volleyball wag niyo na kong asahan.

Medyo mamaya pa kasi ang badminton kaya chill lang ako dito. panood nood lang.

Patapos na ang laro. 2 mins na lang. lamang ang radtech :/ luh. wag naman ganyan. 4 points kasi lamang nila eh kaya medyo delikado na lalo pa't 2 mins na lang.

Naisip kong basketball na nga pala ang susunod at sinubukan kong hanapin si Pao para mag goodluck ako di ko siya mahanap. ang dami kasing nanonood.

Ah ayun! Sa may cc2. nag wawarm-up. kaso di na ako makakalapit. ang ganda na kasi ng pwesto ko dito sa bleachers. at nakasave na ang upuan ni Jane. si Ly kasi nasa medtech area kaya di namin makakasama ngayon.

Nagsimula na magbilan ang audience

10,9,8,7,6,5,4

3

2

1

Prrttt..

At ayun nga

2-3 set

Panalo ang radtech.

Bale medtech vs. radtech mamaya sa finals. hmph! pero ok lang yan! bawi sa ibang sport para makahabol :)

Agad namang tumakbo si Jane dito.

"Bes sorry talo :(" sabi niya

"Ano ka ba! walang sorry sorry! you did great :)" syempre supportive bestfriend ako no!

"Salamat!" sabay hug niya sakin "ay yan na pala ang basketball players! omygahhh! hotness!"

"Baliw!" sabi ko sabay batok "may Christian ka na no!"

Tumawa siya at nag peace sign. Loka lokang babae to. landi to the max!

Hinanap ko si Pao. baka sakaling mahanap niya din ako. pagkakita ko sakanya napansin kong lingon siya ng lingon. hmmm. baka hinahanap din ako? hihihi

[iac: assumera -.-]

Ok sorry na! Hay. bat ba ang gwapo niya?

Pumito na yung referee. start na ng game. nasa first five si Pao.

Kaso..

Bago mag start ang game nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa pag galaw at tumitig sakin.

Nakita niya ko

Alam niya kung san ako nakaupo

:O

Sabay sigaw ng.

"Deniece! this game is for you!"

Tumahimik ang lahat at sabay sabay na nag 'yieeee'

So kailangan medyo scripted? dejoke. pero nagulat talaga ako

At syempre kinilig. ikaw ba namang sabihanng ganun diba? tsk. at yun na. start na ang game.

[Mike's POV]

Badtrip na Paolo yanu inunahan nanaman ako sa diskarte -.- tch naghahamon talaga to ah

Dapat manalo sila sa laro nila at kami naman sa laro namin kalaban ang bio para kami ang maghaharap ni Paolo. sisiguraduhin kong Pharma ang mananalo

Ako ang mananalo ngayon samin ni Paolo.

Kami naman ang nandito sa cc2 para sa warm-up. seryoso na to. di na basta laro lang. kailangan ko manalo dito.

Habang nagpapahinga nakita ko si Lyza na naglalakad pabalik sa bleachers pero since boring pa naman dito eh tinawag ko na muna para may kausap ako

"Ly!" sigaw ko

"Oh Mike! naks naman! varsity na varsity ang dating ah haha" sabi niya habang papalapit sakin

"Syempre naman. gwapo ba? hehe"

"Yuck! tigil tigilan mo nga ako"

Tch taray nito haha

"Ay congrats pala Ly sa panalo!" sabi ko

"Thanks. chamba lang yun haha at goodluck sainyo sa basketball! galingan mo ha?"

"Basta ba ichcheer mo ko eh!" Biro ko

Napansin kong namula siya. but why???

"A-ah. sige Mike alis na muna ako! byeee!" sabay takbo niya palayo.

Hala topak nun!

Nevermind. focus muna sa game.

**

AN:

That's it for now :)

Update soon!

Salamat sa nagbabasa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

one new message (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon