CHAPTER 18

10 0 0
                                    

[deniece's POV]

so yun nga at abot tenga ang ngiti ko. abot hanggang new york ang buhok ko. haba eh. haha di ko na keri to papaputol ko na. chos! inabot ni paolo yung bouquet ng bulaklak sakin tapos sabay sabi ng "pwede ba kitang idate bukas ng gabi? i promise i'll make it special for you :)"

syempre todo todo na ang kilig ng lola mo! eto ang sabi ko "ummm.. sige :)" pagkasabi ko nun eh nakita ko ang malaking ngiting nakakatunaw sa mukha niya. hayyy! nakalimutan ko na sobrang gwapo nga pala nitong kaharap ko. so ayun na nga at natapos ang surpresa niya para sa akin at tumuloy na kami sa activity ngayong araw.

naghiwalay na ang mga estudyante na andun.kanya kanyang punta sa mga department nila. ako din. pumunta na sa pharm department. lahat sila nakatingin sakin at nakangiti sabay sabi ng "yeeeeee" tapos bigla na lang akong may narinig na nagsabi ng

"tama na nga yan"

pagkalingon ko si mike pala yun. akala ko may sakit to? "uy mike! ok ka na ba?" sabi ko sakanya

"ah. oo. medyo nachachallenge na nga ako eh" sabi niya

"saan naman?"

"wala wala. hehe sige tara na at magready" sabi niya sabay walk out

hmmmm. Saan naman kaya siya nachachallenge? Kay paolo kaya?

[Mike's POV]

Bwisit na Paolo yan. Talagang nakikipagkompetensya para kay deniece! Eh kung ipatapon ko kaya siya sa mars!!

Sobrang nag iinit na ako ngayon. Kailangan ko na gumalaw at baka maunahan pa ko ni Paolo. Pero kung sabagay. Ano nga ba naman laban ko dun. Siya ang mahal ni deniece at hindi ako. hay..

Pero syempre di parin ako mawawalan ng pag asa. Ako pa? Tch.

Eto na at magsstart na ang activity namin. Medyo wala ako sa sarili kasi naman nag iisip ako ng pwedeng ipangtapat sa ginawa ng paolo na yan. Ano kayang pwede gawin? Hmm.

**

[Paolo's POV]

Grabe ang kaba ko kanina ha! Hindi ko naman kasi alam kung papayag ba si deniece o hindi eh. Buti na nga lang at pumayag. Mukhang nakatulong yung tulips kasi nung pagkakita niya dun nanlaki yung mga mata niya haha

Andito na ko ngayon sa kwarto. Ala sais na ng gabi at pinagpahinga na kami ng mga facilitators namin kasi bukas naman daw ay sports ang actvity namin. Kailangan ko galingan dun dahil ang mananalong department daw ay makakaexperience ng isang mamahaling buffet for dinner. Odb? Astig pag ganun no!

Pahinga na muna ako ha? Good night!

**

KINABUKASAN..

[Deniece's POV]

Goodmorning!!!! Ang sarap naman ng tulog ko! ^_^ di parin ako makaget over sa nangyare kahapon hihihi landian moments. Pero today. Enemy ko muna si Paolo at Lyza! Kailangan manalo ng Pharm department para sa sosyal na buffet na yan! Lezz do this *insert badass emoticon here*

So bumaba na ko sa may resto ng resort para kumain ng breakfast. Pero teka asan na ba yung dalawang yun? I mean. Sila Lyza at Jane.

Pagkadating ko sa baba. Nakita ko sila sa lobby. "Uy! Bat di niyo man lang ako hinintay? Tch daya niyo!" Sabi ko

"Sorry! Nagutom na kasi kami. Eh mukhan sleeping beauty ka pa dun haha" jane

-.-" loka lokang babae talaga to. So anyway dumeretso na kami para kumain. After eating naman bumalik na kami sa room para naman magready for the different sport events. May 1 hour kami para mag ayos. Well. Di naman kailangan mag ayos dahil sure akong mag mumukhang haggard naman kami mamaya. After ko maligo at magbihis at magtali ng buhok umupo na lang muna ako sa bed ko at kinalikot ang phone ko haban hinihintay ang dalawa

Hmmm. Oo pala! #1 sa list ko ay nagawa na. Pumunta ako sa notes at nilagyan ng check mark ang #1

1. Favorite flower (paolo) check

Its time for the next sign. At eto ay ang manalo sa sports event mamaya. Alam ko namang maghaharap yung dalawa mamaya sa larong basketball eh. Kung sinong manalo dun. Sakanya ang sign #2 hehehe

After how many minutes..

"Let's go deniece" sabi ni Ly

So bumaba na kami. Humiwalay na si Ly samin ni Jane kasi may 30 minutes strategy time ang bawat grupo para maorganize ang mga maglalaro sa bawat games. Eto na yun.

Let the games begin!

**

AN:

Hi guyyys! Its been a long time! Eto na ang bago kong update. Kinailangan ko pag basahin ulit kasi nakalimutan ko na yung story. Hahaha

Sana di niyo pa ko nakalimutan! Sana naenjoy niyo din tong update kahit maigsi. Yun langs!

Vote!

Comment!

Share!

Fan!

one new message (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon