Ako si Yuri Solange, isang tipikal na 16 years old na college freshman.
Ganito nagsimula ang maiksi pero nakakakilig kong karanasan isang gabi sa jeep.
6:30 nang gabi. Yun ang madalas na oras ng uwi ko nung unang semester. Medyo haggard,gabi na ako nakakauwi. Minsan nga, nakakarating ako sa bahay ng 7:30 pm na lalo na kapag traffic.
Nung araw na yun, bumisita ang lola ko sa bahay namin. Eh nagkataon na nasa school pa ako. Ang layo ng school sa bahay! 5:00 pm daw, uuwi na sila. Minsan ko lang makita ang lola ko kaya sobrang gusto ko na umuwi ng maaga hangga't maaari.
Nakapila ako sa sakayan ng jeep pauwi.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, may dumating na din na jeep. Sumakay ako kaagad. Pagod ako galing school kaya sobrang gusto ko na umuwi.
May sumakay na gwapong Koreano na kamukhang kamukha ni Gonghcan ng B1A4. Ako naman itong haliparot na tumabi sa kanya kasi naman crush ko si Gongchan. Sobrang kamukha niya kasi!
Edi ayun, magkatabi na kami. Ang saya saya ko na.
Biglang...
May isang lalaki.
Sumakay.
Di ko pinansin kasi yung atensyon ko na kay Gongchan look-a-like.
Tapos... biglang... PANIRA NG MOMENT!
Umupo yung lalaki sa gitna namin nung Koreano. Edi nahiwalay ako sa kanya at ang nakatabi ko etong si boy singit.
Hindi ko na tinignan yung mukha niya dahil wala akong interes sa kanya. Nakakatakot pa, mukhang rockstar ang dating eh.
Medyo kinilabutan ako kasi tingin siya ng tingin sa akin at sa BAGO KONG BAG na Mango pa ang tatak, bili ng tatay ko.
Inipit ko yung bag ko sa kamay ko, siyempre nagtataka na ako baka mamaya hablutin niya yun eh.
Makalipas ang ilang minuto, tingin parin ng tingin itong si boy singit sakin! Natakot na talaga ako kasi feeling ko snatcher siya.
Edi, ako naman tong biglang naging artista at nag-inarte.
Umiyak ako sa jeep na parang ewan. Pero siyempre, yung patahimik na iyak. Yung tipong nag-iinarte lang.
Actually arte nga lang talaga yun, kasi baka maawa siya sakin at hindi niya na hablutin ang bag ko. Ewan ko ba paranoid lang siguro ako at naisip kong holdaper si boy singit.
Kinuha ko ang tuwalya sa bag ko at pinunas sa pekeng luha ko.
NAGULAT NALANG AKO! O.O
May kamay na nagcomfort sa akin. Tinatapik niya yung braso ko.
Pag tingin ko sa gilid...
SI BOY SINGIT!
Sabi ko na nga ba. PARANOID LANG AKO!(_ ___l|l)
Feeling ko tuloy ang sama sama ko. Inakusahan ko agad siya na snatcher. Grabe lang ha.
Nung pagtingin ko sa kanya habang tinatapik niya ako nung umiiyak ako...
SYEMAS.
SYEMAS.
PUUUNYEMAAAAAASSS.
ANG GWAPO.
(saang planeta kaba nakakita ng gwapong snatcher ha? haaay naku nmn)
Rockstar nga ang dating!
sarap hingian ng numberrrrrr.-.-
May hikaw sa labi pero ayos lang, HOT parin tignan.
May mga black bracelets siya, dahilan kung bakit mas lalo siyang nagmukhang rakista.
Alam mo yung buhok ni Onew ng Shinee nung time ng Ring Ding Dong?
Ganun ang style ng buhok ni boy singit! Medyo sabog lang ng unti. Ewan ko ba kung nagsuklay yun o sadyang style lang talaga.
SYEMAY LANG TALAGA. ANG GWAPO NIYA.
Tinignan ko ulit si Gongchan look-a-like. Nawala yung spark. Nalipat kay Boy singit.
Yun na nga, tinapik niya ako.
"Ate, okay ka lang?" Sabi niya. Ang lambing ng boses! Nanlambot nalang ako nung narinig ko yung boses niya. Ang ganda kasi eh. Yung tipong mala-Sungjong na may pagka Taemin yung tono ng boses niya. Oo kinumpara ko na siya sa mga Kpop Idols. Ganun kasi talaga ako nastarstruck ng bonggang bongga,karakarakaaa.
Tumango nalang ako. "Okay lang ako, thank you." Nginitian ko siya. yung tipong PA CUTE. HAHAHA kasi nmn eh may pa iyak2 pa akong nalalaman.
Sa isip ko...
"ANG ARTE KO MY GOODNESS! IYAK-IYAKAN PA, MABAIT NAMAN PALA SI KUYA:))!"
~Littlemissmofo
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Falling ❤
FanfictionMinsan ba, Naramdaman mo na yung feeling na nasa jeep ka, tapos may isang lalaki na tumabi sayo at biglang BOOOOM bumilis yung tibok ng puso mo ? kumusta nmn yon ?;)) Ito ay storya ng babaeng asyumera .