Nag smile ako sa kanya. With unting pa-cute siyempre. Anytime, pwede na kaming bumaba sa jeep kaya susulitin ko na yung moment kasama si boy singit... ay este si Nick.
Nasa iisang jeep lang naman kami at pareho din naman ng uuwian, so tinanong niya ako.
"Aaahm, Okay ka lang ba mag-isa? Saan ka bababa?" humarap siya saakin.
"Dun lang sa sakayan ng tricycle pauwi...." Sinabi ko sa kanya, medyo nahihiya kunwari.
Isang kasinungalingan: Hindi ko sinabi sa kanya yung totoo kong address. Hindi naman talaga ako bababa sa sakayan ng tricyce.
Siyempre, stranger parin siya kaya dapat hindi ako magtiwala. Kaya sabi ko nalang, sa sakayan ng tricycle ako bababa.
Bigla niyang nabanggit yung school malapit sa sakayan ng tricycle.
"Ayy, dun ako nag-high school!" naisambit ko.
"Talaga? Edi naging kaklase mo si Amber at Nica?" napangiti siya.
AYUN PALA...
KAIBIGAN SIYA NI AMBER AT NICA na mga kaklase ko noong high school pa ako!
Edi yun!
Nagkwentuhan kami.
"Kilala mo pala si Amber at Nica!"
"Oo naman. Bandmates ko yun eh!"
"Talaga? Wow, Kumusta mo naman ako! Lalo na kay Amber, hindi ko na yun nakikita eh."
"Sure. Hehe. Magkaklase pala kayo ni Nica, no?"
"Ahh, sa kabilang section siya. Hehehe. Pero close kami."
BLAH. BLAH. BLAH. BLAH.
Hanggang sa humaba ng humaba ng humaba ng humaba ang kwentuhan namin.
Medyo naging komportable nadin ako. Kahit papano, may mutual friends kami!
Ang dami namin napagkwentuhan. Tungkol sa mga banda, sa school, byahe, college life.
Ang sinabi kong palusot kung bakit ako umiyak noong mga nakaraang minuto eh dahil yung lola ko hindi ko na maaabutan sa bahay dahil bibisita sila. ISANG MALUPIT NA EXCUSE.
So, ayun nga. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Hindi ko namalayan na malapit na pala yung jeep sa terminal ng tricycle Eh hindi naman talaga ako doon bababa! HALA!
"Malapit ka na bumaba." Sabi ni Nicki. Napilitan na akong sabihin ang totoo.
"Hehe... Joke lang. HIndi ako nakatira dun. Sa may kanto pa ako bababa. Hehe!" Tumawa nalang ako.
PAGKAKATAON NGA NAMAN.
Sa kanto din siya bababa!
Edi... Nagsabay na kami. :)
Nung tumigil na yung jeep, bumaba na kaming dalawa sa may kanto. Kelangan pa maglakad ng unti para makasakay ng tricycle.
Marami namang tao nun kaya hindi ako natakot maglakad kasama siya. Habang naglalakad kami, tuloy ang kwentuhan!
ANG CUTE NAMING DALAWA TIGNAN.
PARA KAMING... "Rockstar-meets-innocent girl" na couple.
ASSUMING NAMAN AKO!
Pero... habang naglalakad talaga kami... Sobrang ramdam na ramdam ko pa yung spark eh.
Ang bango niya. Ang tangkad pa niya! Hanggang balikat niya lang ako. AT! Naka 2-inches heels pa ako nun.
Magkatabi kami habang naglalakad sa kanto. Feel na feel ko na talaga! Unting minuto nalang ang nalalabi na pwede kong i-spend kasama siya.
Kwentuhan parin kami.
Hanggang sa dumating na ang oras na kailangan na namin mag-paalam sa isa't-isa.
"Nick, dito nalang ako. Sasakay na ako ng tricycle. Ikaw ba?" medyo nalungkot ako habang nagpapaalam.
"Ah, lalakarin ko pa hanggang doon. Dun na ako sasakay." Tumuro siya sa kabilang daan.
"Ingat ka ah? Salamat sa...hehe. Salamat." Wala na akong masabi. Sobrang kinikilig nalang ako nung time na yan.
"Ingat ka din. Wag ka na ulit iiyak ah? Hehe. Ngiti ka na!" Tinapik niya ulit ang balikat ko at nag eye-smile siya. Kumusta naman ang puso ko.
Kilig na kilig na ko, nag smile nalang ako pabalik sa kanya...kahit medyo gusto ko pa makipagkwentuhan, kelangan na magpaalam.
A/N: Satingin nyo ba eh magkikita pa sila ?ahahahah ABANGAN BUKAS :))
joke lng tatapusin ko na to. baka hindi ako makatulog sa sobrang kilig.
ok lng hindi mkatulog kesa nmn hindi magising .LOL ang corny ng joke ko alam ko.
~Littlemissmofo
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Falling ❤
Hayran KurguMinsan ba, Naramdaman mo na yung feeling na nasa jeep ka, tapos may isang lalaki na tumabi sayo at biglang BOOOOM bumilis yung tibok ng puso mo ? kumusta nmn yon ?;)) Ito ay storya ng babaeng asyumera .