LMOD chap 1
Tanging mga yapak lang at tibok ng puso ni xyliana ang maririnig mula sa kadiliman ng gubat.
Ang hampas ng hangin na tila ba nagsasabing may nagbabadyang panganib.
Tila ba sinasabing matakot ka.At ang kaluskos na nagmumula sa likod nya dahilan para mas lalong kabahan si xyliana.
Hindi mawari ni xyliana kung pano sya napunta sa isang madilim na gubat.
Ang natatandaan lang nito ay mahimbing syang natutulog mula sa inookopahan nitong apartment sa bayan.
Ang mga alaala nyang pilit nyang kinakalimutan pero ngayon ay kusang lumilitaw sa balintataw nito.
"Chrisanta..." Isang nakakakilabot na boses ang bigla ay narinig nito.
Para bang isang kulog sa pandinig nya.
Isang makapangyarihang nilalang ang sigurado nyang nagmamay-ari ng boses na iyon.Hihingal hingal na patuloy paring tumatakbo si xyliana. At sa isip isip nya ay hinihiling nyang sana ay may makita sya kahit kunting liwanag man lang.
Nakakapagtaka at pati buwan ay tila natakot at nagtago.
Wala ring mga bituin dahil sa kapal ng ulap na nakatakip dito.
"Chrisanta.." Muli ay rinig niya. Ngunit parang niyanig ang buong kalamnan nya ng mabatid nyang malapit na ito sa kanya.
Ni hindi nya magawang lumingon man lang sa takot na baka nasa likod lang nya ito.
Sa gitna ng pagtakbo ni xyliana sa kakahuyan ay bigla syang natalisod dahilan para mapahiga sya sa damuhan.
Sinubukan nyang tumayo ngunit mas lumakas pa ang hangin.
Nilakasan nya ang loob nya upang tingnan ang tila ba humahabol sa kanya.
At laking gulat nya ng makita ang sariling nakangiti sa kanya.
"Chrisanta.." Nakangising bulong ng babaeng kamukha nya.
"Hindi!!!" Sigaw nya ng makita ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ng babaeng kahawig na kahawig nya.
Nagtakip sya ng mga mata upang di na makita ang susunod pang pwedeng mangyari.
Tila ba niyayanig ang mundo nya sa nakikita sa mga oras na yon.
At kung pupwede lang siguro sanang hilingin na kainin sya ng lupa ay ginawa na nya.
"Xyliana??" Dinig nyang may tumatawag sa kanya.
Tila ba sa isang malalim na balon nanggagaling.
"Xyliana are you ok?" Sabi ulit ng boses.
Natatakot syang buksan ang mga mata sa isiping baka nakangisi parin ang babaeng kahawig na kahawig nya.
"Xyliana wake up" parang ginising ang diwa ni xyliana ng mapagtantong tila ba ginigising sya.
Nananaginip lang ba ako?
Ngunit natatakot parin sya sa isiping baka dinadaya lang sya ng kanyang pandinig at baka pag-bukas nya ng kanyang mga paningin ay kaharap parin nya ang babaeng kamukha nya.
Naramdaman nalang nya na may yumuyogyog sa kanya. Dahilan para subukan na nyang magmulat ng mata.
Laking tuwa nya ng mamulatan nya ang kababatang si jona.
"J-jona?" Di makapaniwalang tanong nya.
"Yeah its me xylia.. Binabangongot ka na naman." Sabi nito.
Hihingal hingal syang napayakap kay jona.
Duon na sya napahagolgol.
"J-jona..akala ko katapusan ko na"sabi nito sa kaibigan.
Alalang alala naman si jonang inaalo ang kaibigan.
"Sshhh.. It's just a dream.. Tahan na" alo nito kay xyliana.
"Wait i'll get some water for you" sabi nito sa pagitan ng paghikbi ni xyliana.
Kumalas naman sa pagkakayakap si xyliana dito at hinayaang ikuha sya ni jona ng tubig.
Habang ikinukuha sya ni jona ng tubig ay di nya napigilang mapatingin sa wall clock nito.
"3:35" bulong nya pagkakita sa orasan nila.
Tandang tanda nya na tuwing 3 ng umaga sya binabangungot.
Ano ba ang koneksyon ng alas tres sa buhay ko?
Ano ba ang gustong ipahiwatig sakin ng bangongot na yon?
Ipinilig na lamang nya ang ulo nya upang wag na syang mag-isip pa ng kung ano-ano.
Sa isip isip nya ay bangungot lang yon at walang kinalaman sa buhay nya.