LMOD chap 3

82 3 0
                                    

Pagkatapos ng palabas na pinanuod ni jake at sabriel ay lumabas na sila ng sinehan at planong kakain muna sila ng pizza.

"Langya ka talaga"sabi ni sabriel kay jake patungkol sa nangyari kanina lang sa luob ng sinehan.

"Oh, ano na naman ipinuputok ng butche mo jan? Tapos na nga diba? Hindi ka naman nabugbog? Bawasan mo kasi ang pagka-bitter mo." Nang-iinis pang sabi ni jake dito.

"Ah! Basta may utang ka pa sakin kaya ikaw ang magbabayad sa pizza ko!" Sabi ni sabriel na nagpatiuna ng maglakad.

"Tsss.." Tanging nasambit lang ni jake bago sumunod na kay sabriel.

Pero kapwa natigilan ang dalawa ng biglang may sumalubong kay sabriel na isang babae.

Halatang sadya nitong hinarangan si sabriel sa paglalakad dahil naka-stretch arm pa ito.

"Anong problema mo?" Inis na tanong ni sabriel sa babaeng kasalukuyang nakaharang sa kanya.

Nginisian sya ng babae bago nagsalita.

Teka? Sya yong babae kanina sa sine! Yong umawat sa matabang lalaki na susuntok sana sa kanya.

"Be my boyfriend or die?" Nakangising sabi ng babae.

"Pfftt?!!!" Di napigilang mapatawa ni sabriel.

Pero nanatiling seryoso ang babae na nakatingin parin kay sabriel.

"Miss.. Ganyan ka ba kadesperado na magka-boyfriend?" Pang-iinis dito ni sabriel na di makapaniwala.

"Yes or no?" Sabi ulit ng babae na parang hindi man lang narinig ang sinabi ni sabriel.

"Excuse me miss.. But this is not the time for prank! Gutom ako kaya wag kang haharang harang sa daanan ko." Inis ng sabi ni sabriel saka sya lumapit sa babae at hinawi ang kamay nito na nakaharang sa kanya.

Pero bago pa sya makalayo dito ay natagpuan nalang nya ang sariling nasa ilalim ng babae.

Ngayon ay nakahiga na sya sa sahig habang nakadagan ang kamay ng babae sa may leeg nya.

"Be my boyfriend or die? Yes or no!!" Maawtoridad na ulit dito ng babae.

"No!!" Inis naring sabi ni sabriel.

"Kung di ka lang babae pinatulan na kita!" Inis na sabi pa nya" ngumiti naman ang babae bago nya niluwagan ang pagkakadagan dito.

"Then.. Kita nalang tayo ulit sa kabaong mo. Kung makikita mo pa ako" makahulugang sabi nya,saka sya kumalas dito at mabilis na tumayo at umalis na duon.

"Weird"dinig nyang sabi ni jake na nakalapit na pala dito.

Bahagya pang inabot ni jake ang kamay niya kay sabriel upang alalayan itong makatayo.

"Weird?? She's not weird she's freaking crazy!!" Inis na sabi ni sabriel.

"Dalawa na kasalanan mo sakin ah!!" Dugtong pa nito.

"Oh, ano na naman??" Takang tanong ni jake dito.

"Di mo man lang ako tinulungan don sa baliw na yon!" Galit na sabi ni sabriel habang pinapagpagan ang sarili nya ng tuluyan na itong makatayo.

"Takot ko nalang don noh! Pano kung ako sunggaban non? Buti kung lalaki mano mano kami kaso babae yon tol!! Gentleman ako!!" Sagot ni sabriel.

LOVE ME or DIE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon