LMOD Chap 5

43 2 0
                                    

"Sorry po talaga mga pogi... ganyan po talaga yang kuya ko... may emaginary friend, kahit ako nga di na nya ako makilala na mismong kapatid nya. Kakalabas lang po kasi nya sa mental tapos nag-ta-tantrums gusto daw mag-prank ng pulis.. ei nakita kong mukha kayong mabait kaya pumayag na ako..." kunwari'y naiiyak pang sabi ni xyliana sa mga pulis.

"Kami lang ho ang natitira sa mundo..kasi patay na po ang mga magulang namin.. ako nalang po ang nag-aalaga sa kanya. Baka mabaliw din po ako pag ikinulong nyo sya..

Nag'simula syang magkaganyan mula nong mamatay ang parents namin sa car accident.. kasama kasi nila sya nong mangyari yon..

Kaya po pls.. mamang pulis.. palayain nyo na yong kuya ko.." umiiyak na sabi ni xyliana habang pinupunasan pa ang pisngi nyang ni isang patak ng luha ay wala namang nalaglag.

Pero ang mga pulis ay paniwalang-paniwala sa mga sinasabi nya. Katunayan ay umiiyak narin sila sa mga gawang kwento ni xyliana.

"Wag ka ng umiyak miss.. ang ganda mo pa naman.." sabi ng head nila.

"Palabasin nyo na yong kapatid nya." Utos ng punong pulis sa mga kasamang pulis.

Agad din naman nilang pinalabas ni sabriel at ilang beses nagpasalamat si xyliana sa kanila bago sila tuluyang lumabas sa presinto.

Galit na galit naman si sabriel na humarap kay xyliana.

"What do you want from me?!" Galit na sabi ni sabriel kay xyliana.

"Hmm... pag-iisipan ko pa kung anong gusto kong gawin sayo" nakangising sabi ni xyliana saka nito pinasadahan ng tingin ang buong katawan ni sabriel.

Napahawak naman si sabriel sa sariling katawan na tila ba itinatago nya ito.

"Rapist ka noh? Siguro bakla ka? Kaya siguro hindi mukhang realistic ang mukha mo kasi retoki ka!" Inis na sabi ni sabriel sa isiping baka nga bakla si xyliana at nagpapanggap na babae para makakuha ng boyfriend kaya siguro ganon nalang ito kadisperado na maging boyfriend sya!

"Anong masama sa pagiging bakla?" Nakangiting sabi ni xyliana saka nya tiningnan ng mapang akit si sabriel at may pakagat labi pa ito.

"Yucks!! Layuan mo nga ako! Kahit anong gawin mo hindi kita dyo-dyowain lalo ngayong alam ko na kung ano ka talaga!" May pandidiring sabi ni sabriel sa kanya. Pero ang totoo ay nanghihinayang si sabriel dahil akala talaga nya ay babae si xyliana.. baka may pag-asa pang pumayag syang maging girlfriend ito. Pero hindi sya bakla para pumatol sa kauri nya.

"Ang seryoso naman masyado nito.. hindi ako bakla ok.. babae ako kahit tingnan mo pa---"

"Ang alin??" Agad na putol sa kanya ni sabriel.

"Yong birth certificate ko at kahit itanong mo pa sa nanay ko!
Napaghahalataan ka tuloy na manyakis.. dapat siguro di ko na kinausap yong mga pulis para palayain ka." Nakahalukip-kip na sabi ni xyliana. Sa loob loob nya ay natatawa sya sa reaksyon ni sabriel. Napaka suplado pero naive.

"Ako manyak? Ei ikaw nga tong gustong maging boyfriend ako.. ede dapat ikaw ang manyak!! Dinala mo pa ako sa bahay nyo.. ano gusto mo akong pikutin ngayon??" Naiinis parin na singhal ni sabriel kay xyliana agad namang hinawakan ni xyliana ang bibig ni sabriel para tumahimik ito.

"Shut up ok!! Laway mo tumatalsik ayukong mag-shower! At FYI yong offer ko sayo kahapon ay expired na! Di na kita gustong maging boyfriend!!" Sagot ni xyliana kay sabriel bago nito bitawan ang bibig nya.

"Ang baho! Panis na laway!!" Sabi pa ni xyliana nang tanggalin nya ang kamay nya sa bibig ni sabriel at inamoy ito.

"Hoy nag-tootbrush ako!!" Singhal ni sabriel na namumula na sa galit.

"Oo nag-tootbrush ka pero kahapon pa yon! Let me remind you na sa amin ka nakatulog!!!" Singhal pabalik ni xyliana..

Kung titingnan ay para silang aso't pusa'ng mga bingi na kanina pa nagsisigawan.

"Then what do you want from me now!!!!" Galit na singhal ulit ni sabriel masyado na syang napapahiya sa babaeng ito lalo na sa kaalamang kahapon pa pala sya huling nag-toothbrush.

"I want your body.. kahapon pa ako di kumakain.." pang-iinis pa ni xyliana sa kanya. Hindi nya alam pero natutuwa syang nakikitang galit si sabriel. Namumula kasi ito at laging natatalo sa argumento nila.

"Cannibalism yang iniisip mo.. kung gusto mo ibibili nalang kita ng manok! Kung gusto mo buhay na manok pa..-" pero napatigil sya nang may maalala sya.

"pero pautang muna.. wala akong pera.." kakamot kamot na sabi nya kay xyliana. Natatawang umiling-iling nalang si xyliana.

"Halika na nga.. gutom na ako!!" Biglang dumaloy ang kakaibang kaba sa dibdib ni sabriel ng hawakan sya ni xyliana. Mistula itong napako sa kinatatayuan..

"Hoy halika na!!" Pilit na hinahatak ni xyliana si gabriel pero hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan nito.

"Wag kang mag-alala hindi ako kumakain ng tao lalo kung kasing pangit mo.." natatawang sabi ni xyliana bago hinila ulit si sabriel this time ay nagpahila na si sabriel sa kanya.


Kumakain na sila sa isang karinderya. sarap na sarap si sabriel sa kinakain nito halatang kahapon pa ito huling kumain.

"Anyway.. pano mo pala na-kombinsi yong mga gagong pulis na yon na palabasin ako?" Nagtatakang tanong ni sabriel habang puno pa ang bibig nito ng pagkain.

"Sinabi ko lang na bagong labas ka ng mental." Walang kagatol gatol na sagot ni xyliana.

Naibuga naman agad ni sabriel ang pagkaing nasa bibig nya sa mukha mismo ni xyliana,
dahil sa sinabi ng dalaga.

"Yucks!!!!" Diring diring sabi ni xyliana at agad itong tumakbo sa banyo upang mag-hugas ng mukha.


Pagkabalik ni xyliana sa upuan nila ay gulat na gulat ito dahil wala na roon ang binata.

Natakasan sya nito.

"Grrr... hindi pa tayo tapos sabriel!!!" Galit na sambit ni xyliana habang nakatingin sa walang lamang platong pinagkainan ni sabriel.




Hi guys!! Sorry at ngayon lang ulit ako naka-update dito.
Anyway please like and leave a comment below if you do like this chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE ME or DIE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon