Nagising si Sabriel na nakahiga sa isang malambot na kama, sa isang medyo may kaliitang kwarto at kulay pink ang wall paper na may butterfly at bulaklak pang naka-printed dito.
Sa itsura palang ng kwarto ay mahahalata mo ng kwarto ng isang babae idagdag pa ang maraming mga teddy bear na kahit ata sa lahat ng sulok ng kwarto ay may stuff toys.
"Nasaan ako?" Natanong ni sabriel sa sarili.
Ipinilig nya ang ulo at pilit inalala ang nangyari.
"Ahh, tama may multong palapit sakin non.. Tapos nong malapit na malapit na sa akin at naramdaman kong may pumukpok sa ulo ko kaya ako nawalan ng ulirat" bulong nya.
"Pero kanino naman kayang kwarto ito?" Takang tanong nya.
"Hindi kaya don sa babaeng baliw sa mall?" Tanong nya pa sa isip nya.
"Oh, gising ka na pala mister reklamador" untag sa kanya ng babaeng nakatayo na sa harapan nya.
"Freak ikaw?" Biglang sabi ni sabriel dito.
"Freak? Sinong freak? Ako ba tinatawag mong freak?" Ang kaninang nakangiting aura ng babae ay napalitan ng inis.
"Tsss..at sino ring tinatawag mong reklamador?" Imbes na sagutin ay tanong din ang isinagot nito sa babae.
"Hulaan mo?" Nakangising sabi ng babae.
"Teka! Ano to? Kidnap? Kinidnap mo ko? Ganyan ka ba kadesperadang maging boyfriend ako?" Sabi ni sabriel dito. Ngunit hindi ito sinagot ni xyliana bagkos ay tumabi ito sa kanya mula sa pagkakaupo nito sa kama.
Inilapit ni xyliana ang mukha nya kay sabriel. Mistula namang napako sa pagkakaupo si sabriel sa ginawa ni xyliana. Akala nito ay hahalikan sya ni xyliana kaya napapikit na ito.
"yes or no?"Bulong dito ni xyliana.
Nanlaki naman ang mata ni sabriel at feeling nya ay napahiya sya at bahagya pang itinulak si xyliana upang makalayo sya dito.
"No!" Matigas na sabi ni sabriel kasabay ang pagtayo nito mula sa kama.
Bigla ay kinalabit ni sabriel ang kamay ni xyliana at hinila papalabas ng bahay na iyon.
"Hey!!! Saan mo ko dadalhin?!!" Tanong dito ni xyliana ng makalabas sila ng kabahayan. Ngunit hindi parin tumitigil sa paglalakad si sabriel.
"Let me go?!!! Saan mo ba ko dadalhin!!" Inis na sabi ni xyliana dito.
"Sa presinto!! Ipapakulong kita!!" Inis namang sabi ni sabriel dito.
"Huh? Ipapakulong mo ko? Ano namang ginawa ko sayo?" Natatawang tanong dito ni xyliana.
"Ikaw ang pumukpuk sakin kaya ako nakatulog!! At kinidnap mo pa ako!!" Sabi naman ni sabriel dito na patuloy parin sa paglalakad.
"Hahaha!! Do you even think na may maniniwala sayo?" Natatawang sabi ni xyliana.