"Xyliana!!" Tawag ni jona sa kaibigan nitong si xyliana.
Agad namang bumungad sa kanya ang kababata.
"Anjan na wait lang.." Nakangiting dungaw nito sa kaibigan.
Saka sya pumasuk ulit sa kwarto nya at isinukbit ang kanyang bag sa balikat niya. Bago sila umalis ni jona.
Sunday kaya napag-pasyahan ng magkaibigan na manood ng sine.
Samantala..
"Anong panonoorin natin?" Tanong ni sabriel sa kaibigan nitong si jake.
"Ito oh, maganda to" turo nito sa isang adds don.
Pinagmasdan naman ito ni sabriel.
"Lovestory? Hanep pare! Kelan ka pa naging bakla? Mas maganda yong action movie jan ei" tutol dito ni sabriel.
"Maganda daw yan.. It's about a forbidden love" sabi naman ni jake dito.
"Ku! forbidden man yan o kung ano ano pa jan love story parin yan! In short O.A!" Inis na sabi nito.
Pero wala rin syang nagawa sa huli dahil hinila na ito ni jake papasuk sa sinehan.
Sa loob naman ng sinehan ay puro nalang reklamo si sabriel.
Palibhasa ay lagi itong sawi sa pag-ibig kaya ngayon ay ayaw na ayaw na nyang makakakita ng kahit anong pupwedeng makapag-paalala dito sa mga babaeng minahal nya.
At dahil nga lovestory ang pinapanood nya at maraming sweet scene ay di nya maiwasang maka-relate kaya idinadaan nalang nya sa reklamo. Para hindi na matuon ang pansin nya dito.
"Ssshhh..." Bulyaw dito ng mga nasa likod nya.
"Tsk! Bibig ko ito! Kaya wag nyo akong pakialaman sa gusto kong sabihin" sabi nito sa sumita sa kanya.
"Lumabas ka nalang pare kung puro ka nalang reklamo"inis na sinabi nong lalaking na nasa likod nya.
"Kung ayaw mong marinig ang mga reklamo ko ikaw ang lumabas..!!" Sagot naman dito ni sabriel.
Sa inis ng lalaki ay napatayo na ito. At hinablot nito ang manggas ng damit ni sabriel dahilan para mapatayo si sabriel.
"Bitiwan mo nga ako gago!!" Inis na utos dito ni sabriel.
Susunggaban na sana ng lalaki si sabriel ng suntok pero may umawat dito na isang babae.
"Bitaw.." Maangas na sabi nito sa lalaki pero nanatiling nakatuon ang paningin nito sa screen ng sinehan.. Habang kumakain ng popcorn.
Napatingin naman dito ang lalaki pero laking gulat ni sabriel ng bitawan nga ito ng lalaki.
"Tsss.. Babae lang pala ang katapat nito." Sa isip isip ni sabriel.
"Umayos ka ha!" Inis na sabi ng lalaki kay sabriel bago umayos ng upo.
"Tsss! Yabang.." Bulong ni sabriel bago umayos narin ng upo. Bahagya pa niyang pinagpag at inayos ang damit nya bago umupo.
Pero dahil sa curiousity ay nilingon pa ni sabriel ang babaeng umawat sa matabang lalaking susuntok sana sa kanya.
"hmm she's pretty, maputi may pagka-mestisa.. Pero halata ang pagka-siga nito" nasabi ni sabriel sa sarili habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ng dalaga.
Laking gulat nalang nya ng mapatingin dito ang babae. At inirapan pa sya bago tumingin ulit sa screen.
Mabilis namang binawi ni sabriel ang paningin dito at itinuon narin sa screen.
"Tsss.. Ang ganda na sana ei.. Mukha nga lang masungit.. Pero ang ganda ng dimple nya ha ang lalim" napangiti nalang sya sa isipin na iyon.
gustong gusto sana tingnan ulit ni sabriel ang dalaga ngunit natatakot syang magalit na rito ang dalaga sa kakatingin nya rito.
Naagaw lang ang pansin ni sabriel ng sikuin sya ni jake.
"Type mo noh?" Tukso dito ni jake ng humarap sya rito.
"Buset!! May kasalanan ka pa sakin gago" inis na sabi dito no sabriel bago nya inagaw ang popcorn na hawak nito.
"Anong kasalanan ko sayo?" Inosenteng tanong ni jake dito.
"Kung hindi mo ako pinilit manood dito ay hindi ako mapapaaway! Tapos di ka man lang umawat" inis na sabi ni sabriel dito.
"Sorry nasa kalagitnaan ng iyakan ei.. Chaka kaya mo naman na siguro yon ei" nakangising sabi ni jake dito.
"Buset" inis na sabi ni sabriel bago itinuon na ang atensyon sa Screen ng sinehan.
Pls VOTE, COMMENT or FOLLOW for updates ang stories TIA 👋