PROLOGUE

9 0 0
                                    

Kung pwede lang sanang mahiga na lang buong maghapon. Nakakatamad bumangon, nakakatamad maligo at mag-toothbrush, nakakatamad magsalita, nakakatamad mag-isip! Lahat nakakatamad.

"Marri, bumangon kana dyan. Nandito si Ian, may lakad raw kayo" narinig kong tawag ni mommy sa labas ng pinto nitong kwarto ko. Ano na namang kailangan nong lokong yun.

"Pakisabi po hindi ako sasama" nakahiga pa rin ako sa kama at namumungay pa rin ang aking mga mata. Hindi ko alam kung dahil ba sa antok o dahil sa ginawa ko kagabi na halos hindi na ako makatulog.

"Woi, Marri! Bumangon kana nga dyan, may lakad tayo. Hindi pwedeng ma-late!" ayon na nga, boses na ni Ian. Hayst, ang kulit pa naman nito.

"Sa pagkakatanda ko, wala taong usapang may lakad tayo ngayon. Wag kang epal, umalis ka mag-isa mo. Wag mo ko istorbuhin sa buhay ko." pusta, dadada na naman yan.

"Tuleg, bumangon ka na dyan! Wag mo kong hintaying pumasok at ibabalibag talaga kita sa labas. Wala tayong usapan pero may lakad pa rin tayo ngayon. Maligo ka na at lalakad na tayo. Wag nang makulit, huh? Sipain kita dyan, eh" oh diba, ang daming sinasabi. Tsk.

"Ian, kung may lakad ka, wag mo kong idamay. Si Jennifer na lang isama mo" Tsk, idadamay pa ako. 

"Tita, pahinge nga po susi!" Peste! Ang kulit ng mokong na to!

"Ian naman kasi!" inis akong bumangon at padabog na binuksan ang pinto. Alangan naman hintayin ko pa siyang makapasok 'e gagawin niya naman talaga yung sinabi niyang ibabalibag niya ako kung hihintayin ko pang si ang papasok sa kwarto ko. Bakit nga pala may pinsan ako abnormal?

"Oh ayan, bumangon din" nakangisi pa nitong bungad habang nakahalukipkip sa harap ng pinto.

"Peste! Maghintay ka muna dyan at maghahanda muna akong bwiset ka!" alam mo yung feeling na inis na inis ka na nga, tinatawanan ka pa. Ang lakas lang maka-bwiset!

Hindi ko na hinintay ang sasabihin sana nito at agad ko na siyang pinagsarhan ng pinto tsaka na dumiretso sa banyo. Ano pa bang magagawa ko? Eh ang kulit nong kumag na yun.

Madali lang akong naligo at nag-ayos. Tinignan ko muna muli ang itsura ko sa salamin bago tuluyang lumabas at nagtungong kusina. Sigurado naman akong lumalamon yung bwiset na yun.

"Magdala ka nga pala extra damit, Ri. O-overnight tayo sa kaibigan ko." hindi talaga tao ang isang to, isang baboy. Punong-puno pa ba naman ang bibig habang nagsasalita.

"Sino namang may sabi sayong mag-o-overnight din ako? Lakad mo nga lang naman talag ito, dinamay mo lang ako" tsaka ako kumuha ng toasted bread na nakahain sa mesa.

"Wag ka mag-alala, naipagpaalam na kita kay Tita. At syempre, sa gwapo ko nga namang ito, payag na payag talaga si Tita!" tinaasan ko naman siya ng kilay. Tsk, ugaling-ugali niya talaga ito no? Bwiset lang.

"Ayok--"

"And you can't say no. Ibinilin ka rin sa akin ni Tita, may business trip siya kaya maiiwan kang mag-isa dito. Sa lagay mo pa naman ngayon, delikadong maiwan kang mag-isa. Baka magbigti ka lang at mabalitaan na lang naming wal--" 

"Bwiset ka talagang ugok ka, no? Manahimik ka nga!" ayan, nakatikim na ng batok. Gago kasi.

"Oh sya, sya. Maghanda ka na. Maya-maya lang aalis na tayo." tatawa-tawa naman nitong kinamot ang batok niya at sinubo ang huling piraso ng sausage. "Magra-round south tayo kasama mga kaibigan ko. Tutulungan kitang makalimot sa gagong yun."


----

This is a work of fiction. The names, character, and incidents portrayed in it are the work of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, events or localities in entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording or otherwise, without the prior permission of the author.


:>

ROUND SOUTH LOVEWhere stories live. Discover now