CHAPTER 5

3 0 0
                                    

A ride with Bopols Masungit

Marri's POV

Pagkatapos bayaran ni Bopols Masungit ang helmet, naglakad na ulit kami pabalik sa parking lot. Kailangan naming magmadali, baka nandoon na yun sila sa next stopover namin.


Paano, ang dadal kasi ni kuya. Ang daming kwento! Dinaig pa akong broken---este, babae!


Napahabol naman ako ng lakad kay Taffo ng makita kong malayo-layo na siya. Hindi naman talaga ako pandak, sadyang mas matangkad parin siya sa akin. At ang lalaki ng hakbang niya. Isang hakbang niya, dalawa nga siguro ang sakin.


Tsk. Isa lang ibig sabihin niyan, kailangan mo pang magpatangkad!


"Bopols---este, T-Taffo, salamat n-nga pala dito sa helmet" sabi ko sa kanyang ng mapantay ko na siya sa paglalakad, diretso lang sa daan ang tingin ko.


"Tsk," wala na ba siyang ibang alam na word? Nakakasawa na yan pakinggan, eh! Nakikigamit pa siya ng linya, hmp!


"Tyanga pala, diba pupunta ka sa beach resort nyo?" tsaka lang ako napatinginsa kanya na kunot-noo lang na nakatingin sa harapan.


"Kaya nga nakikisabay ka, diba?" napangiwi na lang ako, napaka sarkastiko naman! "And as far as I remember, doon din naman destinasyon niyo"


"Alam ko yun," napairap pa ako kahit alam kong hindi naman siya nakatingin, "Ang ibig kong sabihin, may dalawa pa kami stopover bago pumunta don. Kaya itatanong ko sana kung okay lang ba sayo, kaso inunahan mo ko sa pagkapilosopo mo!"


"Are you raising your voice at me?" napatigil siya sa paglalakad at napapataas na naman ang kilay na humarap sa akin. Napatigil naman ako at napasimangot.


"Eh, bwiset ka kasing kausap! Kinakausap ka na nga ng maayos, pabalang ka pang sumagot. Eh ang resulta, magkakapikunan lang tayo. Kaya wag ka na lang magsalita at sumunod na tayo sa kanila" tsaka ko siya tinalikuran at tuluyan lumapit sa motor niyang abot-kita na ng mga mata ko.


"Huh?! Ako pa ang bwiset? Tsk, childish" bubulong-bulong pa niya. Akala naman nito hindi ko narinig.


"Narinig kita!"


"Whatever,"


Nangmakalapit na sa motor niya, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa nitong suot kong jean. Hinugot ko naman ito agad at tinignan ang isang message na nareceive ko ngayon lang.


From: Pvnyetang Pinsan

Asan na kayo? Ba't ang tagal niyo? Nakita ko kayo kanina sa side mirror na lumihis kayo ng daan. Nagtanan na ba kayo?

Receive at 4:15 pm


Talipandas na pinsan! Gago, kung makapagsabing nagtanan! Eh, kakikilala ko pa nga lang sa lalaking to! At wala akong gusto sa kanya no, ang sungit-sungit at di naman siya ganon ka gwapo.

ROUND SOUTH LOVEWhere stories live. Discover now