CHAPTER 3

6 0 0
                                    

The Encounter

Marri's POV

"WAG na wag ka nang mag-drive sa motor ko!" tatawa-tawa pa rin ako habang hinuhubad ang helmet sa ulo ko. "Papatayin mo ba ako, huh?! Isusubong talaga kita kay Tita!" OA na dagdag pa niya tsaka nag walkout.


Napapailing na lang ako. Paano ba kasi, Hahaha, nainis ako kanina sa sinabi niya kaya mas itinudo ko ang bilis ng pagpapatakbo ng motor niya. Para naman siyang babae, sigaw ng sigaw. Idagdag niyo pa ang mga malulutong niyang mura! Hindi traffic kaya matulin-tulin talaga ang byahe. Nauna pa nga kami dito sa second stopover namin, eh.


Bwahahahaha!


Sumunod na din ako sa kanya pagkatapos kong mailagay sa ibabaw ng motor ang helmet ko. Mag-aalas tres na ng hapon kaya pang-meryenda lang ang kakainin namin ngayon. Nandito kami sa isang milk station na may mga burger at pizza stall sa gilid.


Hindi nagtagal at dumating na din ang mga kasamahan namin. At dahil hindi kami kasya sa isang table lang, dalawang table ang inukopa namin. Tig-aapat lang kasi ang kasya.


Si Erix at Dash na ang nag-order para sa burger at pizza namin, sina Alex, Fianna at Kishanna naman ang sa drinks. Naiwan naman kami ni Ian sa isang table habang si Kardilyn naman sa isa pang mesa katabi ng sa amin.


Naunang bumalik ang nag-order ng drinks. May soft drinks at milk drinks ang in-order at may kasama pang special ice cream from fresh milk daw. Maya-maya lang din ay bumalik na sila Erix at Dash dala ang mga foods.


Nagsimula na kaming kumain habang nagku-kwentuhan sila. Sila lang, hindi naman ako nakikisali sa kanila. Kasama namin sina Alex at Fianna sa table yung apat na natitira naming kasama naman ang nag-ukopa ng isang table.


"Sure ba talaga kayong doon next stopover natin? Baka kasi ayaw ni Kardilyn non" sa dami nilang pinag-usapan, ito lang ata ang nakapukaw nag atensyon ko.


"H-hindi, okay lang. Minsan lang naman 'to kaya susulitin ko na!" nakangiti namang sagot ni Kardilyn the haliparot---este, Kardilyn the pandak pala.


Hindi naman kasi talaga siya matangkad, mas mataas pa nga ako sa kanya, eh. Mas mantanda naman siya sa akin ng isang taon.


"Pero diba, bawal ka non?" tanong naman ni Fianna. Panong bawal?


"Okay lang talaga. Pwede naman ako, basta paminsan-minsan lang" pangungumbinsi naman nito.


Napakunot naman ang noo ko, panong bawal ba kasi? Sa isang ihawan kasi ang next stopover namin. Kaya paanong bawal yun sa kanya?


"Ian," napatigil kami sa pagkain ng may tumawag dito sa katabi ko.


"Jennie?!" napatayo pa nga itong Kardilyn pandak nato. Napalingon na din ako sa may likuran namin.


"Jen,"


"Babe!" para naman itong nakakita ng clown ang pinsan ko. Ang laki ng ngiti, eh. Grabe naman sa clown.

ROUND SOUTH LOVEWhere stories live. Discover now