CHAPTER 6

4 0 0
                                    

Pageant

Marri's POV

Alam mo yung feeling na para bang nanadya ang kung sino man? Kaya pala ganon na lang talaga maka-react ang mga nakakasabay namin kanina dahil nga sa MATCH ang damit namin nitong Bopols Masungit na 'to! Well, isa na din doon itong pagkakayapos ng mga braso ko sa pvnyeta niyang bewang at MATCH din na helmet namin!

Hindi ko naman talaga napansin na match pala damit namin, pati helmet!

Hanggang ngayon tuwing may makakasabay kami, kung hindi kami pagtitinginan, pagsasabihan naman ba daw ng 'ang sweet, parang gusto ko din ng ganyan!' , meron pang, 'sana all, makahanap nga ng lalaking ka-road trip'.

Ang lakas lang maka-tangna!

Hindi ko na lang sila pinapansin at mukhang bago ng bago sa kanila ang makakakita ng nagro-road trip na may match na damit at helmet, with matching yakap-yakap pa sa bewang!

Pesteng bewang yan! Maging paa sana!

Mag-a-alas syete na ng makarating kami sa sinabi nila Plaza Intania daw. Ang layo pala ng king ina! Nauhaw tuloy ako.

As expected, nauna na nga sila Ian doon at nagtuturo-turo na ang nga babae sa pupuntahan. Agad naman akong lumapit aa pinsan kong gung-gong ng makababa at mailagay na ang helmet sa motor.

"Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanya, naka ngusong napalingon naman siya sa akin. Anyare dito?

Baka nagising na sa kaabnoyan at na-realize niyang nakaka-peste ang ugali niya.

"Kakarating lang din, five minutes bago kayo dumating" para na siyang lantang gulay kung sumagot, napatango na lang ako. Mag-aya ka pang mag round south, gago! "Ba't nga ba lagi kayong nahuhuli? Eh, halos magkakasabay lang tayong lumarga kanina, ah? Anong kababalaghan ang ginawa niyo?!"

Ay, king ina! Kung makaakusta naman 'tong bwiset na 'to!

Nang dahil sa kahinayupak niya, nakatikim siya ng batok sa akin. "Bopols, napahinto lang kami ng may dumaan sa pedestrian lane kanina! Eh, para naman kayong naghahabolan ng mga kaibigan mo kung makapagpatakbo ng motor!"

"Kailangan talaga mam-batok, 'no?" inis pa nitong ani habang hinihimas ang batok niya. "Kutusan kita dyan, eh!"

"Subukan mo at nang makapatay na talaga ako ng pvnyetang pinsan!"

"Maka-pvnyeta naman ito! Akala mo naman kung sinong animal." inis ko siyang tinignan at muling inambaan ng batok, agad naman siyang umilag.

"Wag ka ngang engot?! Bwiset nito" inirapan ko nga, parang bakla ang king ina!

Napatingin ako sa gilid niya sa pag-aakalang nandoon din si Jennifer. Napakunot naman ang noo ko ng makitang wala ito sa tabi niya.

Eh? Nagbago na ba takbo ng sikmura nila? O sadyang naghiwalay na sila? Palagi kaya yang dikit ang dalawa kapag magkasama.

"Asaan si Jen--"

"Ayon, kasama si Kish." sabay turo niya sa kinaroroonan ng dalawa, nakanguso pa siya. "Di man lang niya ko sinama! O di kaya nagpaalam man lang! Pagkababa na pagkababa nag-uunahan silang dalawa makapunta don."

"Wag ka nga! Hayaan mo din kayang makagalaw si Jennifer ng wala ka sa tabi niya tuwing magkasama kayo?! Nakakasakal yan." inismiran ko naman siya.

O.A. ang bwiset.

ROUND SOUTH LOVEWhere stories live. Discover now