Chapter 1

2.9K 59 7
                                    












"Jema gising na!"










Anong oras na ba?

Pinilit kong aninagin ang wall clock.

Bitin na bitin pa kasi tulog ko.

Alas singko y medya na naman pala.

Papasok na naman ako sa school ng alas siyete.

Haay routine, kelan ba ko masasanay.

Magdadalawang taon na kong teacher dito sa Santa Barbara University.

















Halata ba na ayoko ng tinapos ko?

Ang gusto ko kasi talaga ay maging isang doktor. Pero di namin kaya yung tuition.

Kaya nagComputer Science na lang ako. Yun ang kinuha ko noon sa PUP.

Kaso medyo nagloko ako dun.

Alam mo na,

Dito ako nagaral simula Kinder hanggang high school.

Kaya parang literal na nakawala ako sa koral nung mapadpad ng Maynila.

Napasarap kakaparty at aminado naman akong napabayaan ko ang pagaaral ko.

May times na napapasama pa ko sa mga kilos protesta laban sa gobyerno kahit di naman ako masyadong relate sa pinaglalaban nila.

Literal na nagsunog ako ng kilay para lang makapasa sa exam tapos ganun ang kinalabasan.

Isang sem lang yun.

Isang sem na puno ng adventures. Maraming firsts din na nangyari sa akin.

Natikman ko ang sarap ng pagiging teenager.

Pero ayun, tatlong subjects ang binagsak ko.

Ang resulta:

Pinalipat agad ako ni Nanay ng school.

Sayang daw ang pera na pinaghihirapan nila ni Tatay pangdorm at allowance ko tapos ganun lang ang gagawin ko.

Hindi naniwala si Nanay na makakaya kong ayusin ang pagaaral ko dun.

Balik Sta. Barbara tuloy ako.

At dahil wala ang kurso ko dito, napilitan akong itake ang Education.

Teacher din ang nanay ko dito. Sa college nga lang.

Bachelor of Science in Secondary Education.

English na lang ang kinuha kong major.

Limited kasi ang courses dito. Yung BSED nga eh, English, Filipino at Math lang ang choices.

Ayoko magFilipino, mas lalong ayoko sa Math, wala akong tiyaga magturo ng ganung subject kaya dito ako napunta.

Naging varsity ako ng volleyball team dito sa SBU. Kaya masaya din kahit paano ang pagpapatuloy ng college life ko.

Masaya kahit lagi kaming lotlot.

Kulang kasi kami sa pondo. Hindi kasi priority ng school ang extra curricular. Mas kinakarir ng school namin ang mga quiz bee at mga contest gaya ng journalism.

Sa true lang talaga, ayoko sa bata.

Hindi nga ako umaattend ng binyag kahit ninang ako eh.

Di nga ko nacu-cute-an sa mga bata. Para sa akin ingay lang at gulo ang dala nila.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now