Chapter 13

1.1K 44 4
                                    


"Excuse you Jessica, I'm not a quitter.

Hinding-hindi kita susukuan noh...

You wish."

Ediwow.

Di na ko nagsalita pa. Nagfocus na lang ako sa ginagawa ko.

Hindi ko alam kung ano nasa isip niya. Hindi ko din alam kung paano siya nakakatagal na ganito kami, walang imikan.

Nakapikit lang siya sa kama ko. Pero alam kong di siya tulog.

Parang ako pa nga yung gustong bumigay eh.

Parang gusto ko pa siyang daldalan kaso wala na ko masabi kasi behave na siya.

Nang matapos na ko, naglinis ako ng konti.

Pumunta ako sa book shelf. Chineck ko yung lesson ko bukas. Pati yung mga visual aids ko.

Okay na rin.

Pagtapos ko ay pawis na pawis na ko. Pero di pa ko puwede magbasa ng kamay kaya...














"Labas ka muna, palit lang ako ng damit."

Lumabas naman na siya agad.

Pagtapos ko ay kinuha ko yung wallet at cp ko at nilagay yun sa shoulder bag ko na pangharabas.







"Tara labas tayo. Nagugutom na ko."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Dinampot ko na yung susi sa lamesa at lumabas na ko ng pinto.



Pag Linggo, sarado si Nanay Ester.

Pero may iba akong binibilhan ng meryenda. Yun nga lang medyo malayo.





😅😅😅


Pawis na pawis na siya.

Balakajan.

Ako nga kakatapos lang magplantsa eh.

Nakikita ko na yung hinahanap ko.














Umupo na ko agad sa stool na plastic.

May payong naman na malaki kaya lang mainit pa rin.

Nilagyan agad kami ng pitsel na may tubig na malamig ng anak ni Kuya Cesar.

Lalagyan ko na sana ng tubig yung baso pero...








"Jessica, bili na lang tayo ng bottled water.

Don't drink that. You don't know where it came from."






🙄🙄🙄

Arte.










"Bahala ka kung ayaw mo. Ako iinom ako kasi nauuhaw na ko.

Hindi naman to marumi. Matagal na kong umiinom dito.

Sa tingin mo sasadyain ni Kuya Cesar na maduming tubig ang ilagay dito?"





Nakasalubong na yung kilay ko sa kanya.








"I didn't say that! All I'm saying is, sinadya man o hindi, the fact that the container is not proper-- or professionally  cleaned, we'll never know if---"




Wala ka talaga Deanna.

Hindi talaga tayo swak.






"Deanna, kahit mahirap lang kami, never naming gagawin na hindi linising mabuti yung mga ginagamit namin lalo na pag pagkain ang tinda namin.

Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now