Chapter 26

1.2K 60 10
                                    


Pinapasok ko siya habang umuusok yung ilong ko sa buwiset.






Baygon?

Lysol?

Not just one or two ha?!

Mga panlinis ng bahay na hindi ko man lang tinitingnan sa grocery?

Liquid at powder detergent na ang lalaki ng size. Ang mahal ng mga to ah.

Isama mo pa yung mga mop, sponge, brush, mga basahan na pinlastic lang pero same nung nakikita sa bangketa tapos ang mamahal.













"Wait lang ah..."

Tangina at saka meron pa!





Wooh!

Akala ko bumili rin siya ng kasambahay eh!

Bumili siya ng beef ribs, ang dami!

Mas marami dun sa binili namin nung nakaraan.








"Tama ba yung binili kong ingredients? Beef caldereta sana gusto kong ulam later. Tapos bibigyan natin ang tropa. Sinearch ko lang sa google yan eh.

Marunong ka ba nun?"

Tama naman yung sahog.

Yun nga lang napakarami nung patatas, limang kilo yata ito.

Yung carrots ganun din.

Yung keso limang bar na malaki.

Yung tomato sauce....





😤😩😤😩😤










"Sige na please? I'll help you sa paglaba and pagplantsa."






😣😣😣










"Deanna hindi ka naglalaba, hindi ka rin nagpaplantsa.

Automatic ang washing kaya sinasalang lang yun,

Tapos paano kung masunog mo yung uniform namin ni Nanay?

At ano ba tong mga panlinis na to?!

Anong akala mo sa bahay namin?

Dugyot?"








Tawang-tawa Deanna Wong?












"Sorry na! You mentioned kasi yung mga pests that I don't wanna see eh!"




🤦🤦🤦









"Nagbibiro lang ako Deanna, naexaggerate lang ako ng konti eh."




Diyos ko! Panginoon ko!








"I can't bring it back sa grocery. Kaya dito na yan. Gamitin mo na lang. Wag ka na magalit, sorry na po..."



Huhuhu...








"Paano ko yan papaliwanag sa Nanay ko? Na may bumagsak sa langit na ganyan kaya biglang meron kami niyang mga yan dito?!

Iuuwi mo yan sa inyo ah."



Sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa washing, tapos na yung unang sinalang ko.

Konti lang labahin ko ngayon dahil karamihan ng damit ko, nandun sa kanila.

Ayaw niyang ipauwi kanina.












"Dito na yan please? Mas marami niyan sa bahay eh..."






Text Me When You Get HomeWhere stories live. Discover now