Chapter Eight-C

97.7K 2.1K 80
                                    

Chapter Eight-C

            “You know how to handle guns?” gusto niyang paikutin ang mga mata niya sa tanong ng kanyang ka-date. It has been two days since natapos ang misyon niya at gawaran siya ng panibagong titulo for a job well done. Masaya naman siya sa karangalang nakamit lalo pa at isang malaking tao si Yang. Pagbalik niya sa cottage ay laking pasasalamat niya ng wala doon si Colton, at that moment hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Gusto lang niyang makaalis sa lalong madaling panahon at hindi ito makita. “Karylle?”

            And this guy her is the third guy she dated pagbalik niya, nakikipagdate naman siya, at siya din ang tipo ng babae na kahit boring ang ka-date niya ay hindi siya nabobore because she can change the mood pero ngayon tinamaan talaga siya. Ang unang date niya ay iniwan niya dahil inaantok na siya to think he is a sports freak, her second date is a businessman who speaks about himself which is good dahil ayaw niyang siya ang nagsasalita sa mga date niya, and this guy here is interested with guns dahil sa isa itong military official. They bore the hell out of her, para kasing hindi tama. Parang kulang, para bang may hinahanap siya- she can’t find the fun out of them.

            “Karylle.”

            “Uh-huh?” napakurap siya ng tawagin nito ang pangalan niya. She smiles at her date and humbly apologize. “Sorry for spacing out, after my mission kasi I am not feeling well na.” pagdadahilan na laman niya.

            “I know the feeling, pagkatapos ng mga missions ko ay hindi din ako nakakapag-isip ng matino. Palagi kong iniisip ang mga nangyari.”

            Tumango siya kahit na hindi naman iyon ang iniisip niya. “I think Jake I need to go, I really want to sleep. Sorry if hindi ka nag-enjoy sa date natin.”

            Ito naman ang umiling, mabuti nalang at medyo understanding din ito. “I really understand, common ihahatid na kita.”

            “Oh no, may ride ako.” Aniya at ipinakita ang susi ni Jenny.

            “Are you sure?” diskumpyadong tanong nito, ngumiti lang siya sa kaharap at tumango.

            “Yes, I can manage.”

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon