Chapter Nine-B

102K 2.1K 133
                                    

Chapter Nine-B

            “SAAN ito?” takang tanong niya ng bigla nalang siya nitong hilahin sa isang mataas na building. It looks like a condominium and base na rin sa ayos ng lugar na iyon… “It’s new isn’t it?” tanong niya dito.

            Hinubad nito ang suot nitong coat at basta nalang itinapon sa isang tabi she rolled her eyes at the guy. Kinuha niya ang coat na hinubad nito na naglanding sa sahig pati na rin ang tie nito, makalat pala ang lalaking ito. Nagtataka pa ito ng tingnan nito ang hawak niya at sa inis niya ay ibinato niya iyon dito.

            “Aw!” hiyaw ni Colton.

            Nameywang lang siya dito. “Isabit mo ng maayos ang coat mo, at ilagay mo sa tamang lalagyan ang tie mo.” Mariing utos niya sa binata.

            “What’s the fuss, it’s not like I am going to wear it tomorrow.” Akmang itatapon na sana nito ang coat at tie nito sa isang tabi ng magkibit-balikat siya at titigan lang niya ito ng husto. Ngumuso lang ito at dinala sa isang silid na sa tingin niya ay laundry room ang mga iyon, pumasok na rin ito sa isang kwarto habang siya ay naupo sa tabi ng bintana na kitang-kita ang buong ka-Maynilaan. Paglabas nito he is already wearing a pair of white pajamas and a white shirt, he looks decent but he doesn’t look like anything but decent to her. At walang hiya sinuklay-suklay pa ang buhok nito na kanina ay sobrang ayos ngayon magulo na, but he looks so sexy on his hair. Kun hindi lang talaga niya alam baka iisipin niyang sineseduce siya nito dahil kung ganoon man ay naseseduce na siya.

            Umayos siya ng tayo, “Ano ang plano mo kay Zyrene at Heinz?”

            Ngumisi lang ito sa kanya. “Let them do their stuff love give the poor guy a slim chance.”

            “So ibig sabihin hindi mo talaga pinakidnap si Zyrene sa mga tauhan mo at ipapatay ang mga bodyguards niya?” isang malutong na tawa ang pinakawalan nito, at habang tumatawa ito ay hindi niya maiwasang hindi ito matitigan. She knew he is handsome and she feels differently towards the guy but seeing him laughing gives her more struggles of removing him from her system.

            “Why would I invest much effort to someone whom I can’t even have, let Heinz do that thing since sa kanya naman si Zyrene. Saka na ako mag-eeffort kapag turn ko naman.” May bumikig sa lalamunan niya sa sinabi nito para kasing may gusto itong ipahiwatig sa kanya.

            “K-kung ganoon naman pala bakit pa kailangan akong sumama sa iyo dito? Babalikan ko nalang si chief doon.” Kumilos na siya papunta sa pintuan ng unit nito, nagtataka pa nga siya ng hindi siya nito pigilan. She opened the door but unfortunately locked iyon, she huffed and tried to calm herself. Kaya naman pala hindi siya nito pinigilan dahil nakalock pala iyon. “Colton!” asar na tawag niya dito.

ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon