Chapter Ten-A
NAGTAGIS ang kanyang mga bagang ng makilala ang lalaking nakatalikod sa kanya at nakikipaglandian, yes, landian dahil inipit pa nito ang ilang hibla ng bangs na tumabing sa mukha ng babaeng kausap nito. Nagngingitngit ang puso niya sa nasaksihan niya.
Girl, you busted him wala kang karapatang magselos dahil hindi naman kayo.
Bigla siyang natigilan sa boses na umukilkil sa utak niya, totoo naman kasi iyon. She already rejected him at wala siyang karapatang magselos. Pero nakakasama lang ng loob, wala pa ngang dalawang araw since nabasted niya ito ay may nahanap na agad itong ibang babae? May sinabi pa itong he won’t give up pero heto ngayon at may kalandian na? Mabilis siyang pumasok sa Devil’s upang hindi na tuluyang makita ang eksena. Obviously, he’s like every man she knew he’s just playing around. Hindi ba ganoon naman talaga ito, he is a player and a player will always be a player.
But it hurts lang a bullet piecing to her soul.
Kapag nasagot mo na iyan at mag-aaway kayo siguradong sa tabi siya ng mga babae maglalabas ng sama ng loob, at iiwanan ka rin niya katulad ng ginawa ng papa mo.
Itinaas niya ang kanyang noo at muntik na niyang palakpakan ang sarili sa ginawang move, hindi siya umiyak. She shouldn’t cry if she is hurting now there is no one to blame dahil kasalanan din naman niyo iyon.
“Lalabas na si Zyrene be ready.” Sigaw ni Heinz, linapitan niya ang mga kaibigan niya she is safer with them.
The wedding proceeded according to plan at habang pinapanood niya ang dalawang ikinakasal ay hindi niya naiwasan na isipin kung ikakasal din ba siya. Wala siyang naisip na kasal na nababagay sa kanya because she can’t see herself wearing a white wedding gown. Hindi na bali na siya nalang ang maiwan sa mga kaibigan niya, kaya naman niya. At saka hindi na bale na siya nalang ang masaktan huwag lang ang iba, huwag lang siyang makapanakit ng iba katulad ng tatay niya.
“I’m hungry.” Bulong niya kay Diana na panay subo ng pagkain.
“Kumuha ka ng foods.”
Tumango siya at lumapit sa nagcacater ng foods. “Hi there pretty lady who likes my panda!”
BINABASA MO ANG
ZBS#2: Orange Butterfly's Captured Heart (COMPLETED)
RomanceTeaser: Nasanay na si Karylle na mama lang niya ang kasama niya, nasanay siya na nakikita niya na puro babae ang nakapaligid sa kanya. At nasanay na siya sa mga pagbabago sa buhay niya. Nasanay na rin siyang kutyain dahil sa kanyang hitsura at nasa...