ARSENAL MILITARY ACADEMY

268 9 1
                                    

PROLOGUE

MATAGAL na simula ng matapos ang laban namin kontra kay Gonzales. Natapos na ang pasukan, nakapaggraduate kami ng Junior at naging maayos ang paaralan bago namin ito nilisan.

Nagbago na ang patakaran sa Arsenal Military Academy. Nagbago na din ang heads. Sigurado din akong may mga bagong instructors na darating. Sa pamumuno ni Sir Lieutenant Sergeant Bargas sa Academy, ay naging maganda ang takbo ng Akademya. Pinirmahan niya na rin ang kasunduan nila ng General na sa darating na pasukan ay maari ng makapag-aral ang mga kababaihan sa Arsenal. Kaya't mas lalo kong pinili na ipagpatuloy na lamang ang nasimulan ko. Ipagpapatuloy ko ang pagiging military. Babalik ako sa Arsenal.

Si Kuya ay kasalukuyang nagpapagamot. Nais niyang ayusin ang muka nya. Palagi syang nagpapakonsulta. Naging magkakilala sila ni Javier na tinatawag nya ding Jasper sa labas ng academy . Tinindahan niya daw iyon ng bulaklak noon, naging magkasundo naman sila.

Sila James, Taner, Kris and Van ay nasa maayos na din namang kalagayan. Tiyak akong nasasabik na din sila sa darating na pasukan. Si Michael, patuloy parin naming inaalala ang kabutihan nya. Nawa ay nasa maayos na syang kalagayan. Sana ay masaya sya ngayon dahil nagkaroon ng kahalagahan ang pagsasakripisyo nya.

Si Javier. Tssk. Wala akong masasabi sa gagø na yon. Nuknukan parin ng kulit. Palagi syang nagtatawag sa phone ko nong natapos na ang pasukan at laging inaalam ang ginagawa ko. Kung may excited man sa darating na pasukan, tiyak ako na sya ang pinaka numero unong excited.

Sa pagbabago ng Arsenal, magiging maganda na kaya ang takbo ng buhay ko don? Ano na naman kaya ang kakaharapin kong pagsubok? Ano kaya ang nahihintay sa amin sa Akademya. Ano kaya nag naghihintay samin sa loob ng Arsenal?

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon