CHAPTER 7

73 5 0
                                    

Nakita kong nanginig ang kamay nya kaya't humarap ako sa kanya.  Nakita ko na naman ang muka nya na halos pumatay na naman sya ng tao.  Ang nakakatakot nyang muka.  Literal na mauuløl na naman sya. 

Napalunok ako ng laway ng hawakan nya ang dalawang balikat ko.  Nanginginig pa ang kamay nya kaya't nanginig din ang balikat ko.  Nasasaktan din ako sa pagkakahawak nyang yon. 

Nakita kong kumunot ang noo nya at bakas parin ang galit at gigil nya habang nakatitig lang sya sakin.  Umuurong na naman ang dila ko. Natatakot akong magsalita. Galit na galit sya ngayon.  Parang mas doble ang galit nya. Kaysa nong nagalit sya.  Ang sakit sa mata.  Ang sakit tingnan.  Nakita ko nalang na tumulo ang luha nya pero bakas parin ang galit sa nakakunot nyang muka. 

"dalawang. beses. mo. na .akong .sinaktan"

Bumwelo ako para magsalita.

"walang katotohanan yan. Hindi totoo yan.  Maniwala ka sakin."

Pero nakatitig lang sya sakin at galit na galit parin. 

"Pare anong nangyayari dit---owww--" si Kris

Dumating sila kasama nya si Van, James at Taner.  Bumagsak ang kamay ni Javier mula sa mga balikat ko.  Tumalikodna syasakin at naglakad na. Tinigilan nya pa si Van saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Mareng Alex.  Anong nangyari? " si Taner. 

Nakita ko sa gilid ng mata ko na pinagkukuha n ani Mary yung mga pictures na nakadikit sa board. 

"KAYOOOOO.  TAPOS NA ANG PALABAS!  MAGSIBALIK NA KAYO SA MGA LECTURE NIYOOOOOOO!! " sigaw ni Kris. 

Nagsialisan na din sila.  Kaya't kami nalang ang natira at si Mary.  Kinuha ni van ang mga picture kay Mary. Saka nila tiningnan yon. 

"Pare bakit naman ganyan pare!?"si kris. 

"Hoy Alex! Van!  Ginagago niyo nalang ba si Calvin? Nakakaloko na kayo ah!" si Taner

"Bakit naman ganyan. Alex. Van magsabi nga kayo ng totoo.  Ano ba talaga ang meron sa inyo hah? " pati si James.

"hindi yan totoo! Bakit ba naniniwala kayo dyan? " si Van.

Ayuko nalang umimik dahil halatang pati sila ay ayaw nilang maniwala. 

"P*STE KA VAN!! NUNG UNA OK PA SAKIN.  SAMIN PERO ITO VAN!  SOBRA NAAAAA! TANG*NA NANGGAGAGO NALANG KAYO!! " si Kris.

"MAGSAMA KAYO NI ALEX!! " si Taner

Umalis na sila.  Kinapitan pa ni Van si James sa kamay pero tinabig lang ito ni James.  Pati sila nagagalit na din sakin. Samin ni Van.  P*ste. Sino ba ang may gawa nito? Ano bang trip nya?

Biglang kinuha nong Hernandez ang mga pictures kay Van saka nya yon pinagpupunit. 

"bøld eh" saka nya pasabog na tinapon.

"alex. I'm sorry "

Di ko pinansin si Van at naglakad na ako palayo. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya.  Kailangan ko syang hanapin. Kailangan kung patunayan na wala lang yung mga pictures na yon.

Hinahanap ko sya pero di ko makita.  Bumalik ako sa dorm pero wala sya don.  Pumunta ako sa parking area pero andon ang motor nya.  Nasa loob lang sya ng campus.  Hindi sya lumabas.  Naghahanap pa ako pero di ko talaga sya makita.  Tang*na naman.  Bakit ba inuuna nya ang pagiging sadboy nya.  P*stee.

Pumunta ako sa malapit sa training area wala sya don.  Tskk.  Napapagod na ako kakahanap sayo gagø.  Napaupo muna ako ng makita ko sya na nakaupo don sa isang puno papuntang gubat kaya't napatakbo akong lapitan sya. 

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon