CHAPTER 11

50 4 0
                                    

"Van ano bang nangyayari sayo? " tinulungan ni James na tumayo si Van.

Parang bigla kasi syang natakot at bigla syang natumba sa gulat at tinakpan ang tenga. Hindi rin namin malaman kung bakit.

Si sir Gabay lang naman ang nagpaputok non parang nag-eensayo sila ni sir Bargas.

"Oo nga Van. Ano bang nangyayari sayo. May problema ka ba? Di ka naman ganyan ah"

" wala"

Bigla syang pumasok don sa loob ng tent at nagsunuran narin kami. Pagkatapos namin maglinis ay naghigaan na kami don.

"Van? May problema ka bang talaga? Ano bang nangyayari sayo?" si Taner

"Oo nga Van. Para kang bading kanina. Emperness" si Kris.

"Sinubuan ka na nga ni Bagsik. Nagiinarte ka pa dyan. Sampalin kita eh" si Taner.

"Baka naman sa sobrang kilig mo Lim. Nabaliw ka na tulad ko HAHAHHAHHAA"

Wagas talaga makatawa tong gagøng to. Tssk.

Hinihintay naming sumagot si Van pero tahimik lang sya.

Matutulog na sana ako ng bigla syang magsalita.

" Hindi ko talaga alam pare. Pero masama ang kutob ko. Parang may bumubulong sakin na umalis na tayo dito. Parang sinasabi ng kutob ko na mapapahamak tayong lahat dito. Walang makakauwi sa atin ng buhay. Walang makakabalik satin ng Arsenal. Pakiramdam ko kahit anong oras, segundo o minuto ay may isang mamamatay satin. Bago kasi tayo umalis pare. May napanaginipan ako. Nakakatakot. Ayaw ko sanang sabihin baka mag-alala kayo pero naisip ko na sabihin na lamang upang makapag ingat tayong lahat.

Napaupo naman kaming lahat at handa ng makinig sasabihin ni Van. Kahit ako din ay naiintriga. Hindi ugali ni Van ang manakot kaya alam kong totoo ang sasabihin nya.

"Napanaginipan kong may bumaril satin isa isa. Kahit sayo Calvin at Alex. Namatay kayong gumagapang. Kumakalat daw ang dugo ni Taner, Kris at James sa lupa. At ako. Nakikita ko ang kalagayan niyo habang bumabagsak ako sa lupa. Namatay tayong lahat. Pinatay tayong lahat. Walang natira. Binaril tayo. Binaril tayo ng taong parang kilala natin. Kilala natin. Noon pa. "

Kahit ako ay kinabahan sa sinabi ni Van. Hindi ko din mapigilang mapaisip.

"Sino yung tinutukoy mo Van? Sino yung papatay satin? " Si Kris

"Di ko nakita. Malabo ang muka nya. Pero ramdam kong kilala natin sya"

"TANG*NA PARE. KINIKILABUTAN AKO SA MGA SINABI MOOOO. YUKO NA TULOG NA AKOOOO!!! "

Nakita kong nagtalukbong pa ng kumot si Taner. Kahit ako din ay kinikilabutan sa sinabi nya. Pakiramdam ko malapit na ang katapusan ko.

"Kung mangyari man yun Lim"

Napatingin ako kay Javier na nagsalita. Seryoso sya.

"Sisiguraduhin kong makakauwi KAYO ng buhay"

Biglang may bumara sa lalamunan ko at naninikip na naman ang dibdib ko. Dito sa lugar na ito. Kung san may giyera ay hindi namin nasisiguro ang buhay namin. Naala ala ko tuloy ang sinabi ni lola.
....
'Nakuu. Masyadong delikado yang ganyang trabaho. Ang isang paa mo dyan ay nasa hukay'

'ede itaas'
.....

Parang ngayon ko lang naramdaman yung sinabi nya. Parang nasa hukay ang isang paa namin ngayon. At Pakiramdam ko may mawawala sakin. Napatitig ako kay Javier.

ALAS kwatro ay gising na kami dahil alas kwatro talaga sila nagigising dito. May mga humihigop na ng kape na mga sundalo.

"Haliiii. Babygirllll. Kape tayooooo haliii naaaa!! "

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon