CHAPTER 2

102 6 0
                                    

Papunta kami ngayon sa bayan. Nakasakay na ako sa motor nya.

"Kapit ka sa bewang ko! "

"yuko"

*BROOMMM*

Bigla nyang pinaharorot ang motor. Kala nya naman matatakot ako don.  Binilisan nya pa. 

"BAKITTTT DI KA YUMAYAKAP SAKINNN!! "

"KASI AYUKOO! "

"DAPAT YUMAKAP KAA.  ISISIMPLANG KO TO! "

"EDE ESEMPLANG MO!! "

Wala na syang nagawa at nagdrive nalang sya. Nakikita kong sumusulyap sya sa salamin at tumitingin sakin. Ako pa ba ang tatakutin nya. Tch.

Nakarating na din kami sa may tindahan.

" Anong mas cute sa junjun ko?  Ito o ito? " junjun? Gagø talaga.

Tinaas niya yung dalawang boxer.  Yung isa kulay black yung isa white. 

" Black"

"Di ko paborit ang black eh.  White nalang"

P*ste .Nagtanong pa sya. 

"Anong mas cute sa paa ko.  Ito o ito? "

Tinaas nya yung Jordan sock at Nike Sock

"Nike"

"Idol ko si Michael Jordan eh.  Ito nalang.  "

Mam4tay ka na.  P*ste ka. 

Nakauwi na din kami. Naligo na ako at natulog.  Naramdaman kong biglang may gumapang sa paanan ko.  Kukunin ko sana ang kutsilyo ko sa ulunan. Nang maramdaman ko na lamang na kinumutan nya ako at inayos nya pa ang buhok ko. 

"bwis*t na mga lamok na yon inuunahan pa ako sayo. "

PAGKAgising ko ay may nakaluto na si gagø.  Kaya ngiting ngiti na ibinigay sakin yung niluto nya. 

"Para naman tayong mag-asawa sa dorm na to hahaha"

*prrffftt*

Naibuga ko yung kanin at tumalsik yun sa muka nya. 

" BAKIT MO BINUGAHAN ANG GWAPO KONG PAGMUMUKA!! "

Di ko nalang sya pinansin at kumain nalang ako. Pumunta naman sya sa lababo at naghugas ng muka. 

Pababa na kami ng marinig ko ang sigaw ni Kris.

"T4NGA T4NGA KA BA HAAHH!!. BAKIT NAGDUDUYAN KA DYAN SA MGA SWING LOG! HAH!  ISIP BATA KA BA? . UMUWI KA NALANG KONG BALAK MONG MAGLARO DITO.  MILITARY SCHOOL TO TANDAAN MO!!"

Sinisigawan nya yung isang babae.  Verdera ata ang apelyido nito. Sya yung isip bata nga.

"Akala ko kasi sir ganito ang function nito eh. Sorry po"

"TINUTULAYAN YAN BØBØ!! UMALIS KA NGA SA HARAPAN KO!! BW*SIT!!"

"HOYYYY KRISSS BAD MOOD KA ATA!! " sigaw ni Taner sa kanya. 

" Wala pare"

Umalis na sya at parang lalabas ata. Problema non. Tsk.

"ALL OF COMMANDS HAVE A PREMATORY SIGN.  SUCH AS.  'HARAP SA KALIWA-RAP'.  HANGGAT HINDI BINIBIGKAS ANG WORD NA '-RAP' AY HINDI MUNA KAYO MAG-EEXCUTE O GAGALAW! "

Nagtuturo si sir Tadeo sa mga Juniors at pinull out nya kami sa training para maging platoon commander nong mga company ng Juniors. Pinaline up ko ang mga babae sa harap ko. 

"HARAP SA KALIWA-RAP!! "

Humarap naman sila sa kaliwa maliban don sa isang babae na si Verdera na naman. Bigla naman syang umayos ng mapansin nya.

ARSENAL MILITARY ACADEMY SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon