Chapter 03

9 2 3
                                    

"As we all know music is important to this school." panimula ni Mr. Dela Riva habang  nakapamulsa. "The club needs participants, we we're aiming for the first place." dagdag niya at tumingin sakin. "So we need those students who are good at singing especially those who plays good in guitar."

Lumunok ako at iniwasan ang tingin niya. May sinabi pa siyang iba at hindi na ako nag-abalang makinig pa dahil alam kong hindi naman ako makakasali diyan.

Tumunog na ang bell hudyat na natapos na ang music period. Inayos ko ang gamit ko para makalabas na. Nasa kalagitnaan palang ako ng pag-aayos ay may isang boses na tumawag sa pangalan ko. Ang kaninang nag-iingayang mga estudyante ay nanahimik na animo'y may magandang musika na kailangan dinggin. Siniko ako ni Liene ng mapansin niyang hindi ako umimik sa tawag ni sir.

"Are you deaf or what?," istriktong tanong niya sakin. "Everyone may leave now except you miss Go," dagdag niya pa ng mapansing nakatingin na ang lahat sakin.

Nagsilabasan na ang lahat at wala akong choice kundi magpaiwan.

"Good luck girl, baka mukbangin ka niyan," panunuya ni Liene sakin habang tumatawa-tawa pa.

"Gago ka, tumahimik ka diyan baka ikaw pa ipa-mukbhang ko sa mga piranha hayup ka!," inis na sabi ko bago siya lumisan sa classroom. Tumikhin ako at humarap sakanya only to find out his intense look.

Tangina, maka miss Go sakin mukhang di ako pinahiya kanina!

"Ano ba yun?," mataray na tanong ko at pinantayan ang matikas na anyo niya.

"Join the club," simpleng sagot niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ayoko nga," agap na sagot ko sakanya na nagpadilim ng aura niya. Problema nito!?

"Sumali kana wag kang matigas," bored na sabi niya na tila pagod.

"No way di ako sasali," sagot ko at hinagilap ang bag ko para lumabas. Tumalikod ako sakanya at hindi pa ako nakakahakbang ng may humablot sa braso ko. Cold rush down my spine and bullets of sweats coated my hand. Lumapit siya ng kaunti at bumulong sakin.

"Fine then don't join the school club," ang sabi niya at amoy na amoy ko ang hininga niya. "But expect me to failed you this semester miss Go," dagdag na sabi niya bago ako binitawan na nakatulala. Kinailangan kong lumunok ng tatlong beses upang pakalmahin ang sarili.

Nanatili akong nakatayo at hindi ko namalayan na hinila na niya ako palabas ng classroom.

"You have two options and you should think about it," ang sabi niya bago binitawan ang kamay ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang namuo na hindi ko alam ang dahilan. Ano bang meron sa gagong iyon!? at bakit ako kinakabahan!?

Naglakad ako ng wala sa sarili patungo sa cafeteria. Pagdating ko doon ay unang bumungad sakin si Jahan na nakapamulsa habang nakangiti sakin.

"Ayus kalang?," concern na tanong niya ng mapansing hindi ako umimik.

"A-ayus lang ako," sagot ko ng may pekeng ngiti.

"Come on babe spill it," sagot niya sakin ng hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko. Kinuwento ko sakanya ang sinabi sakin ni Mr. Dela Riva tungkol dun sa music club.

"Anong plano mo?," tanong niya sakin ng may bahid ng lungkot.

"Hindi ko alam," naguguluhan kong sabi. "San nga pala si Liene?," dagdag na tanong ko ng mapagtantong wala dito ang kaibigan ko.

Thorned StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon