Chapter 01

18 2 14
                                    

"Uyyy gaguee ba't ganun perfect ka, tas ako eight lang nangopya naman ako sayo." reklamo ni Liene sabay padyak.

"Mali naman kasi iyong nilagay mo dun dapat square root yun hindi cube root." sagot ko sakanya. Ngumuso siya at tumingin sa cellphone niya.

Nandito kami ngayon sa park kakatapos lang ng quiz namin sa Math alas tres na, at nag-aantay nalang kami ng tunog ng bell para maka-uwi na.

Madaming estudyante na ang tumatambay dito at kabilang na dun ang music club na nagpapractice para sa susunod na Musika El Real na gaganapin sa susunod na Linggo. Tanaw ko mula dito ang iba't-ibang instrumento na siyang gagamitin.

Huminga ako ng malalim at nagpaalam na muna kay Liene na  mag-ccr lang ako. Dumaan ako sa gilid ng auditorium at since may cr naman ang Music Quarter doon nalang ako gagamit.

Kumatok ako dahil nakasarado ang pinto at nang masiguradong walang tao ay pinihit ko na at nagmadaling pumasok.

Lumabas ako ng banyo ng natapos ako at lalabas na sana ako ng quarter ng nabundol ko ang gitarang nasa sahig. Binaba ko ang gamit ko sa pinakamalapit na lamesa bago ito pinulot. Makaluma na ang itsura at may ngunit halata sa itsura na gagana pa. Binaliktad ko ito at may naka-ukit dun na letra.

''la musica es mi pasion''

Kinuha ko ang wipes ko na nasa bag at nilinis ito dahil maalikabok na. Nang masigurado kong wala ng alikabok ay lumapit ako sa bintana at sinimulan kong kudlitin ang string o ang chord nito. Pumikit ako at nagsimulang kumanta.

Nasa kalagitnaan na ako ng kanta ng may magsalita.

"Knows how to play guitar, huh?" a deep voice filled my ears.

Napakagat-labi ako at binuksan ang mata ng tuliro. Dali-dali akong nag-ayus ng gamit at lumabas ng quarter ng walang paalam. Lakad-takbo ang ginawa ko lalo na nung tumunog ang bell.

"San kaba galing?" tanong ni Liene sakin. "Kanina pa naghahanap si Jahan sayo."

"Sorry natagalan lang m-may n-nag-cr din kasi." utal na sagot ko sakanya.

"Lika na nga," ang sabi niya at pinuntahan namin si Jahan na nasa tapat ng gate ng school namin.

"Babe!" he shouted and run to hugged me. "San kaba galing, hmm?" he asked.

"Nag-cr lang ako babe." sagot ko sakanya at kumalas na sa yakap niya. He held my face and give me a quick kiss.

"Don't do that next time, okay?" he stated.

"Yes po master!" pabiro kong sagot na ikinatawa niya. He hugged me again and kissed my forehead.

"I love you." he said with a sincere smile.

"I love yo-.." naputol ang sasabihin ko ng nag-peke ng ubo si Liene sa gilid ko.

"Ang harot niyo tangina, konting respeto lang sana sa mga singol strowk no!?" mataray na sabi niya.

"Ano ba yung singol strowk?" inosenteng tanong ni Jahan sakanya na ikinatawa ko.

"In short walang jowa!" sagot niya sa tanong ni Jahan.

"Ah,ganun pala yun?" tumatango-tangong sabi ni Jahan na animo'y walang nakakatawa.

"Oo kaya tigil-tigilan niyo na yan baka gawin ko pa kayong stroke pag ako nabanas diyan sa landian niyo punyeta!" ang sabi niya at pumasok na sa sasakyan ni Jahan.

Thorned StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon