TFO 3

0 1 0
                                    

Ashleigh's POV

Pagkatapos kong umiyak ay nag-ayos na ako dahil papasok pa ko.Kahit nanghihina ako dahil sa nararamdaman ko ay mas pinili ko na lang na maghanda sa pagpasok.Meron pa naman akong ipon galing sa mga labis na allowance ko at yun na lang muna ang gagamitin ko.

Kailangan kong magpakatatag kahit pa wala na akong kakampi.They always angry at me.Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko kapag naaalala ko ang mga malulungkot na bagay na nararanasan ko sa buhay ko.I know were complete family but I always feel that I'm alone.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo galing sa mata ko.Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng room.

"Maam papasok na po ba kayo?"Tanong ni Mang Julio,ang driver ko.Meron din si ate Hazél siguradong nauna na siya sa school dahil hindi ko na siya makita dito.

"Opo,Mang Julio."

Pumasok na ako sa loob ng kotse ganun din si Mang Julio at pinaandar ang kotse.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko.Palaging malungkot ang araw ko at di ko alam kung mayroon pa bang pag-asa na sumaya ako.Wala akong kaibigan kahit isa dahil ang tingin nila sakin ay isang malas na kapag dumikit sila ay mahahawaan sila.

"Salamat po,Mang Julio.Mag-iingat po kayo."

"Naku salamat,Maam.Mag -iingat din po kayo."

Lumabas na ko ng kotse at umalis na rin si Mang Julio.Pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante kaya napayuko na lang ako habang nag lalakad.

"Di ba yan yung malas na tinutukoy nila?"

"Oo kaya wag kang lalapit dyan kung ayaw mong mahawaan ng malas."

"Kaya nga loner yan eh dahil sa malas na dala niyan at walang gustong makipagkaibigan dyan."

"Tingnan mo mga itsura nan.Malas na nga lampa pa."

Nakapakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang luha ko na tumulo.Bakit ba kasi ako umiiyak palagi?Bakit ba ang hina ko?Sobra akong nasasaktan sa mga sinasabi nila,sobra akong naapektuhan.Siguro nga tama sila na isa akong malas kaya walang gustong may makipagkaibigan sakin.

Para laging tinutusok ang puso ko sa tuwing may masasakit na salita ang lumalabas sa bibig nila tungkol sakin.

Pagkarating ko ng room ay pumunta ako sa upuan ko sa may likod at nag-iisa lang yun dahil wala akong katabi.Umob-ob lang ako sa lamesa ko.Parang isang hangin lang ako na dumaan para sa mga kaklase ko.Hindi nila ako pinapansin o kinakausap.

"Goodmorning class."Bati ng guro pagkapasok niya kaya bumati rin kami pabalik.

"Goodmorning Ma'am Asunscion."

Nagstart na nang pagtuturo si Maam Asunscion at pinilit kong makinig kahit nanghihinga ako dahil sa nararamdaman ko.

•••••••••••

Lunch na ngayon at nandito ako sa bench.May dala ako laging sariling pagkain dahil ayow kong bumili sa cafeteria.As usual nag-iisa lang ako dito.

Tinitingnan ko lang ang mga estudyante na masayang magl-lunch kasama ang kaibigan nila.Nakakainggit sila dahil mayga kaibigan silang makakasama at masasandalan kapagay mga problema sila.Sana may kaibigan di n akong ganun.

Binuksan ko ang lunch box ko at kinuha ang isang sandwich na ginawa ko.Laging dalawa ang ginagawa kong panglunch para sakaling magkaroon ako ng kaibigan ay tag-isa kami.Subalit para namang wala talagang gustong makipagkaibigan sakin.

Biglang may pumatak na tubig sa sandwich na kinakain ko.Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.Agad ko naman itong pinunasan dahil ayaw kong may makakitang umiiyak ako.Pero ayaw talagang tumigil ng luha ko.Please Ashleigh tumigil ka na sa pag-iyak!

Bakit ba napakaiyakin mo Ashleigh?Huh!

Sana katulad na lang ako ng iba na masaya at may mga kaibigan.Pero sa kasamaang palad hindi.

"Hi!"

Napaangat ako ng tingin ng may biglang magsalita sa harap ko.Isang magandang babae ang bumungad sakin.May mahabang pilit-mata,mapupulang labi,maliit na ilong  at may maputing kutis like a snow.

to be continued...

The Fragile OneWhere stories live. Discover now