TFO 5

0 1 0
                                    

Ashleigh's POV

"Manang Celia,nakauwi na po pala kayo."

Bumungad sakin si Manang Celia  sa kusina na nagluluto.Nakauwi na pala siya ngayon.Yung anak niya kasi sa probinsiya ay naospital kaya umuwi mo na siya  dun para tingnan ang kalagayan ng anak niya.Namiss ko siya sobra kasi siya lang at si Mang Julio ang mabait sakin.

"Oo Ash kanina na lang ako nakauwi.Namiss ko kayong lutuan kayo heto nagluto agad ako.Gumawa rin ako ng paborito mong sandwich nakalagay dun sa ref.Kunin mo na lang."

Kay Manang Celia ko natutunan gawin ang sandwich na binabaon ko para pag wala siya ay kaya ko namang gawin.

"Salamat po,Manang Celia nag-abala pa kayo."

"Naku alam ko naman na paborito mo yan eh."

Ipinagpatuloy na ni Manang Celia ang pagluluto niya.Kinuha ko naman ang sandwich na ginawa ni Manang Celia sa ref.Hindi ako magsasawa kahit paulit-ulit akong kumain ng sandwich na gawa ni Manang Celia.

Kahit iba ang pakikitungo sakin ng pamilya ko ay lagi namang nandyan si Manang Celia at Mang Julio kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko sa tuwing nagagalit sakin ang pamilya ko.

Kapag nandyan ang pamilya hindi ko masyadong pinapakita na attached ako kay Manang Celia at Mang Julio dahil baka idamay pa sila ni ate Hazél sa galit sakin.

Sa bawat araw na lumilipas ay alam ko na ang totoong ugali ng ate ko kaya hindi ko pinapakita na malapit ako kila Manang Celia at Mang Julio.

Pagkatapos kung maabos ang sandwich ay umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Naalala ko si Angel dahil bukas ay mayroon na akong kasama.Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko ngayon.Mayroon na akong kaibigan at si Angel yun.Nabalitaan ko na sikat pala siya sa school namin.Hindi lang siguro ako updated sa mga nangyayari sa school namin dahil hindi naman ako interesado.

Bagay sa kanya ang pangalang Angel dahil maganda na,mabait pa.San ka pa?Gagawa ulit ako ng dalawang sandwich para tag-isa ulit kami.

Lumabas na'ko ng room para pumunta sa kitchen dahil paniguradong malapit na rin umuwi sila Mommy.

"Thank you,Mommy.Ang ganda po ng mga dress na binili natin."

"Anything for you my daughter."

Narinig ko si Mommy at ate Hazél malapit sa pintuan.Mukhang bumili sila ng bagong dress ni ate.Nakita ko sila papasok pero hindi ako pinansin ni Mommy at si ate naman ay tinarayan  lang ako.

•••••••••••

Kumakain kami ngayon ng dinner.Nag-uusap sila samantalang ako ay tahimik lang dito.

"Daddy kailangan ko ng bagong cellphone yung bagong labas ng Iphone.Please!"

"Pero kakabili mo lang ng bagong cellphone nung isang linggo."

"Kasi Daddy yung mga classmates ko yun na ang gamit.Samantalang ako ito lang."

"Okay sige.Bukas ay bumili ka."

"Yes thank you,Daddy."

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.Para lang akong invisible na hindi nila nakikita.Nakikita lang nila ako kapag galit o may ginawa akong mali.They treated me as if I didn't exist.

Nagkaiba na naman ang pakiramdam ko dahil sa naiisip ko.It hurts a lot.Ang bilis kong masaktan kahit malilit na bagay o problema ay iniiyakan ko.Sana balang araw ay bigyan din nila ako ng pansin.Gusto kong bumalik sa nakaraan yung maayos pa ang trato nila sakin at hindi ganito.

to be continued...







You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Fragile OneWhere stories live. Discover now