TFO 1

0 2 0
                                    

Ashleigh's POV

"Mommy!Si Ashleigh sinira yung damit na gagamitin ko sa party!"Sumbong ng kapatid ko kay Mommy.Mabilis namang lumapit si Mommy sa puwesto ko at sinampal ako.Halos di ko na maramdaman ang pisngi ko sa lakas ng sampal ni Mommy.Sobrang sakit na halos pati puso ko ay madurog na.

"Ano na naman ba ang ginawa mo?Asleigh sumusobra ka na talaga.Lumalaki kang sakit sa ulo ng pamilya!"Galit na galit si Mommy sakin na para bang ang laki ng kasalanan ko.Hindi naman totoo ang sinasabi ni ate dahil siya ang may gawa nun.Nakita ko kanina na ginugupit-gupit niya yung dress niya."Mommy hindi po totoo ang sinasabi ni ate.Maniwala po kayo sakin Mommy hindi po talaga ako ang may gawa nan."

"So sinasabi mo ba na sinungaling ako?Ha?"Nanlilisik ang mga mata ni ate habang nakatingin sakin.Bakit ba ganan siya sa akin?Lagi na lang niya akong sinisisi."Wag ka nang magmaa-maangan pa Ashleigh.Alam ko na ang ugali mo."Lumipat ang tingin ko kay Mommy.Tingin ng nagmamakaawa na paniwalaan niya naman ako kahit ngayon lang.

Pero hindi nabago ang nagpupuyos niyang mga mata.Ramdam ko na ang luha ko na malapit ng tumulo subalit pinigilan ko ito dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak."Umamin ka na kasi na ikaw ang sumira ng damit ko.Alam ko naman na naiinggit ka sakin dahil ako ang binibilhan ni Daddy ng magagandang dress."Hindi totoo yan dahil ni minsan ay hindi ko magagawa ang bagay na yan.Palagi na lang mainit ang ulo niya sakin o mas sabihin kong palaging mainit ang ulo nila sakin.Sobrang sakit ng pakiramdam ko dahil feeling ko pinagkakaisahan nila ako.

"S-sorry a-ate hindi na m-mauulit 'to."Nanginginig ang labi ko habang sinasabi ang mga katagang yun.Masakit man ay pinili ko na lang na tanggapin ang pagbibintang nila sakin.Alam ko naman na hindi ako paniniwalaan ni Mommy kahit anong gawin ko."Huh!Sinasabi ko na nga ba naiinggit ka lang sakin kaya mo sinira ang dress ko!"Sumilay ang isang ngisi sa labi ni ate habang nakatingin sa akin pero bigla niya itong binago ng lumingon sa kanya si Mommy."Dahil sa ginawa mo sa damit ng ate mo wala kang allowance ng isang linggo!Naiintindihan mo ba Ashleigh?"Kinagat ko ang labi para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"O-opo Mommy."Nakatungo akong umalis sa harapan nila kasabay ng pagtulo ng luha ko na kanina ko pang pinipigilan.Dumiretso ako sa kwarto ko at isinarado ang pinto.Napaupo na lang ako habang nakasandal sa pinto.Inilabas ko lahat ang luha ko pero parang gripo ang mata ko dahil hindi ito tumitigil sa pagluha.

"Bakit ba nangyayari sakin 'to?Bakit palagi na lang niya akong sinisisi?Tapos si Mommy hindi ako pinaniniwalaan."Mahinang bulong ko sa sarili ko.Wala na akong ginawang tama sa paningin nila.Pamilya ko sila pero pakiramdam ko hindi na nila ko tinuturing na isa sa kanila.Simula nang mangyari ang bagay na yun.

                   Flashback

Nandito kami ngayon ni ate Hazél sa swimming pool area.Sila Mommy at Daddy ay nasa kitchen dahil nagb-bake sila ng cookies.Naglalaro ako ng mga toys ko ngayon mag-isa dahil ayaw naman ni ate na makipaglaro sakin.

Lumapit ako kay ate na nakahiga sa lounge habang nagc-cellphone para kumbinsihin ulit siyang makipaglaro sa akin."Ate Hazél samahan mo ko maglaro ng mga toys ko!Pleasee!"Nagtwinkle-twinkle pa ko ng mata para pagbigyan niya ako.Kahit minsan ay hindi ko siya nakakalaro."Umalis ka nga sa harapan ko Ashleigh!Ayoko makipaglaro sayo!Maglaro ka ng mag-isa mo!"Sigaw ni ate at nagpatuloy sa pagc-cellphone niya.

Kahit 8 years old pa lang siya at ako naman ay 7 years old.May cellphone na agad siya dahil yun kasi ang birthday gift  na gusto niya  sabi niya kay Daddy nung 7th Birthday niya.Tinanong ako ni Daddy kung gusto ko rin nun pero bata pa ako kaya hindi pwede.

"Please ate samahan mo na ako!"Pinilit ko pa rin siya kasi gusto ko siya makalaro.Wala sa akin ang atensiyon niya kaya kinuha ko ang cellphone niya at nilagay sa lamesa tapos hinigit ko ang kamay niya para sumama sakin."Ano ba Ashleigh?Bitawan mo nga ako!Ayoko nga makipaglaro sayo!"Nagpupumiglas si ate kaya nabitawan ko ang kamay niya.Napatigil kami malapit sa pool."Please ate laro tayo!May bago akong barbie doll binili sakin ni Daddy kahapon kasi galing kaming mall."

Nanlisik ang mata ni ate Hazél sakin."Bakit ba ang kulit mo?Sinabi ko na ayaw kong makipaglaro sayo!"Hinawakan ko ulit ang kamay niya para pumunta sa toys ko.Winaksi niya ulit 'to at galit na tumingin sakin 'to."Ang kulit mo!"Itinulak niya ako at dahil malapit kami pool ay hindi inaasahan na nalaglag ako.

to be continued...



The Fragile OneWhere stories live. Discover now