Ashleigh's POV
"Ashleigh!"Sigaw ni ate Hazél.Buti na lang ay marunong akong lumangoy dahil tinuturuan ako ni Daddy.Pero si ate ay hindi dahil ayaw niya daw."Okay lang ako ate.Marunong naman akong lumangoy."
Bakas sa mukha ni ate na nakahinga siya ng maluwag.Bumaling sakin ang tingin niya.
"Wag mo kong isumbong kila Mommy dahil ikaw rin ang may kasalanan.Pinipilit mo ko makipaglaro sayo kahit ayaw ko."
Bakas sa mukha ni ate ang kaba dahil inaakala niya na isusumbong ko siya pero hindi ko naman gagawin yun.Nakaisip ako ng kapilyuhan para samahan niya ko maglaro.
"Isususmbong kita ate dahil itinulak mo ko sa pool."
Naglangoy papunta sa akyatan para makaahon na ko sa pool.
"Ano?Bakit naman?Ikaw ang may kasalanan kung di mo ko pinilit edi hindi ka malalaglag dyan."Kita sa mukha ni ate na natatakot siya dahil siguradong papagalitan siya nila Mommy at Daddy.
Di ko naman talaga siya isusumbong eh.Gusto ko lang samahan niya ko maglaro ng toys ko.Pagkaahon ko ay pumunta ako sa kanya.
"Lagot ka kila Mommy ate.I-itinulak mo ko sa pool."
Nagkunwari pa akong naiiyak sa harapan niya.
"Hazél!Ashleigh!" Tawag ni Mommy at mukhang papunta na sila dito.
Bakas sa mukha ni ate ang takot dahil papagalitan siya ni Mommy at Daddy.
"Ate Hazél!"Sigaw ko ng biglang tumalon si ate sa pool at hindi pa naman siya marunong lumangoy.
"Jusko Hazél!Anong nangyari sayo?"
Agad na lumangoy si Daddy para sagipin si ate.
"Bilisan mo Danny!Naku ang anak ko!"Taranta si Mommy at hindi alam ang gagawin.
"Halika at dalhin na natin siya sa ospital."
Sumunod kami ni Mommy kay Daddy.Sumakay kami sa kotse papuntang ospital.
Dali-dali lumabas ng kotse si Daddy at tumawag ng nurse para asikasuhin si ate.Kinakabahan ako baka kung anong mangyari kay ate.Kung hindi ko sana siya pinilit hindi mangyayari ito.Kasalanan ko kung bakit nandito kami ngayon sa ospital.
•••••••••••
Nandito kami sa room ni ate hinihintay na magising siya.Sabi ng doktor kila Daddy nakainom lang ng tubig si ate at kailangan magpahinga maya-maya lang ay magigising din siya.
"M-mommy.D-daddy."
Napatingin kami kay ate ng magsalita siya ng mahina.
"Anak jusko mabuti naman gising ka na.Ano bang nangyari ha?Alam mo naman hindi ka marunong lumangoy tapos nasa pool ka."
Kinapitan ni Mommy ang kamay ni ate at hinalikan ito.
"S-si Ashleigh po kasi t-tinulak po ako sa pool."
Nagulat ako sa sinabi ni ate Hazél dahil hindi iyon totoo.
"A-ate."
"Totoo ba ang sinabi ng ate mo Ashleigh?"Tanong sakin ni Daddy
"D-daddy h-hin---"
"Totoo po yun Daddy tinulak niya po ako sa pool."Umiiyak na sabi ni ate at naiiyak na din ako dahil hindi naman totoo ang sinasabi ni ate.
Hinawakan ako ni Mommy sa magkabilang balikat ng mahigpit at galit na tumingin sakin.
"Alam mo namang hindi marunong lumangoy ang ate Hazél mo.Kaya bakit mo siya tinulak?"
"M-mommy h-hindi ko po tinulak si a-ate."
"Sinungaling ka itinulak mo sa pool dahil ayaw ko makipaglaro sayo!"
End of flashback
Simula noon ay palagi na lang mainit ang ulo nila sakin.Laging si ate ang iniintindi nila.Nakalimutan nila na nandito pa ang isang anak nila.
to be continued...

YOU ARE READING
The Fragile One
Storie d'amore"I hope that I can find my worth in this world cause I am really broken inside.And I am the fragile one."-Ashleigh Winter Wilugh --------- Date Started:August 8,2021