F

8 1 0
                                    

August 18, Friday

Malamig ang gabi kaya hindi siya nagpapawis. Pero ramdam niya ang pananakit ng kaniyang paa. Kanina pa kasi siyang palakad-lakad upang kumuha ng litrato ng ginaganap na school event para sa assignment nila sa isa niyang klase.

Pagkatapos i-scan ang mga pictures na kuha ng kaniyang DSLR camera ay hinaayan niyang lumambitin ang strap nito sa kaniyang leeg.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang wooden box katabi ang kaibigang si Jeff Samaniego na student operator ng Sound System.

"Tapos ka na, Xy?" tanong ni Jeff, tinutukoy ang ginawa niyang pagkuha ng mga litrato. Grade 10 ito samantalang siya ay Grade 9 pa lang pero magkaklase sila sa kaniyang Media Arts class na major nila bilang parehong nag-aaral sa Arts Curriculum.

"Oo, send ko lang sa'yo," nakangiting sagot niya saka pahapyaw na inayos ang pagkakasukbit ng kaniyang string bag sa likod niya.

Partner niya ito sa assignment nila sa kanilang major. They agreed that he would do the editing while she would capture the scenes.

Bahagya siyang napaindak ng pumailanlang ang tunog ng kantang 'Beautiful Life.'

Dumako ang tingin niya sa stage na nasa sideview niya. The big wall space at the back of the stage had the giant banner bearing the words, 'Search for Mr. and Ms. Intramurals 2017'. Ilang dipa ang layo mula sa ibaba ng stage ay isang mahabang mesa na kinauupuan ng mga judges na makikitang nagdidiskusyon.

It was the 'few minute break' for the chosen final top three of both boys and girls category kaya medyo mararamdaman ang tensyon sa paligid.

Nasa gilid lang sila ng left stage, malapit sa bleachers, kaya malaya niyang nakikita ang paglalabas-masok ng mga tao papuntang backstage.

She glimpsed a sight of parents, students and probably, make-up artists and stylists carrying their candidates' outfits passing through curtains that concealed the left side of the stage.

Pagkatapos ay binaling niya ang tingin sa mga monobloc chairs na nakahilera sa gitna ng gym, two separate rows with an aisle in between-para sa mga spectators and school faculty.

The rest of the audience including families, friends and students were seated on bleachers.

Medyo malalim na rin ang gabi pero dahil ito ang main highlights ng event ay tila nakainom ng ilang bote ng energy drinks ang mga tao. They were continously cheering loudly for their bet candidates.

Xy's feet tapped on the floor as energetic beats of music blared from the large stereos beside her.

Hindi pa naman siya nabibingi dahil hindi naman ito nakaharap sa kaniya.

Saktong napadako ang tingin niya sa isang bahagi ng bleachers na nasa bandang kanan niya.

Her face brightened when a familiar face crossed her sight. It was Yuri, a close boy friend of hers. Medyo matagal niya rin itong hindi nakikita dahil sa sobrang busy niya sa school.

Kaagad na nagpaalam siya kay Jeff na tinanguan lang siya saka niya hinakbang ang kinaroroonan ni Yuri.

Nang makarating siya sa baba ng bleachers ay sinigaw niya ang pangalan ng kaibigan. Bahagya pang napalingon ang iilang tao sa kaniyang direksyon pero taas-noo niyang binalewala ang sandaling pagtingin sa kaniya.

Yuri looked around to find where the voice was coming from. As their eyes met, she waved and started to climb to the top of the bleachers where her friend had seated.

"Hala, Drei! Andiyan na siya!" Nadinig niya mula sa maliit na grupo ng mga lalaking nasa tabi ng kaibigan.

Bahagya siyang natigilan ng makitang nakatingin ang mga ito sa kaniya.

Recognition dawned on her face.

"Uy!" She smiled widely.

Patuloy siyang umakyat hanggang sa nakarating siya sa harap ng mga ito.

They were some common friend of hers and Yuri. Nakipag-fist bump siya kay Yuri at Matty, ang iba ay pabirong dinilaan.

Bumaling ang tingin niya sa dalawang lalaking magkasunod na nakaupo sa tabi ni Yuri. Hindi niya matandaan ang mga pangalan nito but they looked familiar though so she just smiled at them.

As she was about to sit, the boy next to Yuri moved a bit for a space. Nakita niyang ngumisi ang katabi nito. Nagkibit balikat siya at umupo. So ang kinalabasan ay pinagitnaan siya ni Yuri at ng lalaki.

The boy beside her really looked familiar and as minutes passed by, his face slowly registered in her memory.

Aldrei Fontanilla.

That was his name.

And the boy next to him was probably, Alex Nequinto, his best friend.

"Xy, pahiram nga niyang cam mo." Nabaling ang tingin niya sa nakangusong si Yuri. Binatukan ito ni Matty na ikinatawa niya.

Sa huli, wala rin siyang nagawa kundi ibigay ito at hayaang halungkatin ang pictures ng DSLR.

Natatawa niyang pinaalala sa mga kaibigan na ingatan ito. Napahinto siya sa pagtawa niya ng mapalingon sa katabi.

She secretly glanced at him. Nakangiti lang ito habang direksiyong nakatingin kung saan man.

Hanggang sa namagitan ang katahimikan. Ang tanging maririnig ay ang tunog na nagmumula sa naglalakihang stereo at ang maingay na usapan ng mga katabi nila.

Until she felt bored. Busy sa kakakulikot sina Yuri at Matty ng cam niya. Ang katabi niya ay tahimik pa rin.

Kaya inalis niya ang dala-dalang string bag sa kaniyang likod. Inilagay sa kandungan niya saka binuksan ang loob nito at inilabas ang isang stack ng small sticky notes at isang signing pen.

She began to make doodles.

"Nakakakita ka?" Bakas ang pagkamangha sa boses ng katabi.

"May mata ako eh," pamimilosopo niya. He chuckled.

She shrugged and continued to doodle.

"S.P.A diba ang curriculum mo?" Nagtatanong ang mga mata niyang bumaling dito. Matagumpay na nakuha nito ang atensyon niya.

Ininguso nito ang harap niya at hinawakan ang sariling t-shirt na sinundan nito ng tingin.

Naka-print dito ang mga salitang 'SPECIAL PROGRAM IN THE ARTS' at logo ng anim na majors sa nasabing curriculum.

"I took Media Arts," imporma niya na tinutukoy ang major o discipline na kinuha.
Tumango ito.

"So you do photography and media stuffs?" Tila interesado ang boses nito.

"Yeah. We edit videos, shoot films. Mga ganun." She started to draw a dog.

"Hindi na kita masyadong nakikita sa school. SPED ka pa rin diba?" she asked, raising her eyes to meet his. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito.

"Napapansin mo ako?" parang hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumawa siya.

"Malamang. Schoolmates din tayo diba?" Ngumisi ito.

"Oo, last school year. Pero actually lumipat na ako ng school."

She pursed her lips. Tumango-tango saka muling ibinaling ang atensyon sa doodles.

A moment after, she suddenly froze. Ramdam niyang nagsitaasan ang kaniyang mga balahibo sa batok at mga braso.
Her insides were churning.

Nahigit ang hininga niyang pinagmamasdan ang paghagod ng kamay nito sa kaniyang tuhod. He was making circles on her knee. Then he would cover it with his palms.

Whistles burst out from the people beside them.

Faded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon