D

0 1 0
                                    

August 27, Sunday

"Xy! Upo ka dito!" Nakangiti si Aldrei habang iginigiya sa kaniya ang upuang nasa tabi nito.

Ngumiti siya na muntik ding mapawi ng mapansin ang nanunuksong tingin ng mga kabataan.

Binalik niya ang tingin sa lalaking nasa tabi niya na may mas malapad na ngiti.

These people are just so weird.

Nagpahila na lang siya sa instinct.

"Nakatulog ka ba ng maayos?"
bulong nito bigla matapos siyang umupo. Nabuhay bigla ang diwa niya.

"Oo naman." Ngumisi siya ng may naalala.

"Eh  ikaw? Nakatulog ka rin ba ng maayos?" nang-aasar na bulong niya dahil nagsimula na sa pag-lecture ang pastor nila.

Nakita niyang sumimangot ito.
"Let it go, will you?"

Mahina siyang tumawa.
"Heh! Wala ng bawian."

Sabay kasi silang nanood ng horror movie through Google Meet sa nakalipas na gabi. Halos mahulog siya sa kama sa sobrang kakatawa seeing him hiding his face with his pillow everytime the ghost was shown suddenly on the screen.

Hanggang sa matapos ang lecture ay patuloy niya itong tingnan ng nakakaloko.

Napaupo siya ng maayos ng biglang may kumalabit sa kaniya.

Si Sofie Chang, isa sa mga naging kaibigan niya sa church.

"Huy! Kayo na ba?"

Tumawa siya ng malakas na parang nakarinig siya ng isang nakakatawang joke.
Natakpan niya ang bibig niya ng mapansing naagaw na pala niya ang atensyon ng lahat.

"Sorry po," aniya't nag-peace sign.

Sinulyapan niya si Aldrei at nakitang nakangisi ito habang umiling-iling.

"Oh ano na?" Napalingon ulit siya kaya Sofie.

"Tinatanong mo talaga yan dito sa loob ng church?"

"Eh di lumabas muna tayo tapos sagutin mo ako." Tinaas-taas pa nito ang kilay.

"Of course not. Saan niyo nakalap yang tsismis na yan?" painosenteng tanong niya.

"Pa-showbiz ka rin eh." Ningisian niya lang ito.

•••

"Ano yung pinag-usapan niyo ni Ate Sofie?"

"Wow! Uma-ate ka na? Kailan pa naging magalang ha?"

"Huh? What do you mean? You're changing the topic." Nanliit ang mga mata nito.

"Heh! Bastos ka lang talaga! Mas matanda ako sayo pero di mo pa rin ako inaate."

"Oo nga, matanda ka. Pero asdfghjkl..." Hindi niya narinig ang mga kasunod nitong sinabi kaya tinampal niya ang braso nito.

"Aray! Child abuse ka!" Nanliit ang mga mata nito pero mababakas ang kaunting ngiti sa labi.

Dinilaan niya lang ito saka tumakbo papalayo.

"Oy! Hintayin mo ako!" sigaw nito.

* * *

"Papa mo pala si Pastor?"

"Oo, why?"

"Bakit di mo sinabi?!"

"Di ka naman nagtanong." Nagkibit balikat ito.

Gusto niyang isampal sa mukha nito ang ice cream niya pero masarap kaya nagtitimpi siyang samaan ito ng tingin.

"Baliw!"

"Pikon ka na niyan?" natatawang tanong nito.

"Heh!"

Humalakhak ito.

"You know, hindi ko alam kung magpapasalamat akong Pastor ang tatay ko. He is really conservative."

"What's wrong with that?"

"Bawal akong magka-girl friend eh."

Nabilaukan naman siya.

"Yan lang ba problema mo?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nagkibit balikat ito kaya sinapok niya ito.

"Aray! Grabe ka!"

Sinimangutan niya lang ito. Natatawa naman siya nitong inakbayan.

"Tara na nga, uwi na tayo," wika nito saka pinahid bigla ang ice cream sa pisngi niya.

"ALDREI!" nanggagalaiting sigaw niya.

"BUMALIK KA DITO!" At naghabulan silang dalawa.

•••

Gabi na at kakalabas niya lang sa CR na nakatapis lang ng tuwalya pagkatapos maligo nang biglang tumunog ang cellphone niya.

It was Aldrei who sent a message through Facebook Messenger.

She clicked it open.

"Kung pareho kami ng nararamdaman, baka suwayin ko na rin si Papa."

Her heart skipped a beat. Napaupo siya sa kaniyang kama, kinuha ang kaniyang unan at itinakip ito sa mukha bago sumigaw ng walang boses.

Faded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon