A

2 1 0
                                    

Nang maka-recover ay sinundot ni Xylie ang tagiliran ni Yuri, halos mapatalon ang huli sa gulat.

Nanliliit ang mata nitong bumaling sa kaniya. Then his eyes grew big and whistled when he saw it.

"Hokage moves ala Aldrei for the win!" nangingisi nitong wika na alam niyang narinig ng katabi.

Pati siya ay napangisi.

He looked at Aldrei and saw his face reddening. Akmang bibitawan na nito ang kaniyang tuhod ng ipatong niya ang sariling kamay sa taas ng kamay nito. She felt like letting him continue. Napaawang ang bibig nito, nagulat.

Pati siya ay nagulat din sa ginawa. Mabilis niyang tinanggal ang kamay at patay-malisyang tumingin sa ibang direksiyon.

When she sneaked a peek on her peripheral vision, she saw him grinning wide. Pabirong sinusuntok-suntok pa ni Alex sa balikat si Aldrei.

"Xylie!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng sigaw. Si Joanna, kaklase niya, ay papalapit sa kaniya.

"Tawag ka ni Ma'am Gomez," ani Joanna, tinutukoy ang kaniyang Tita Esme na isang guro sa paaralan nila.

"Sige, susunod ako." Joanna nodded and left. Xylie then looked at Aldrei. Their eyes met but no one looked away.

Mahaba pala ang pilikmata nito. His eyes were emitting emotion she can't decipher.

Naputol ang staring contest nila ng may tumikhim.

"Oh, cam mo." Nakangising ibinigay ni Yuri ang cam niya.

"Thank you ha?" sarkastikong aniya saka tinanggap at isinukbit ito sa leeg.

"Sige, una na ako." She waved without looking at them before going down the bleachers.

"Makikisakay tayo kay Ma'am Vera," bungad ng Tita Esme niya. Tumango siya at binati ang kasama nitong kapwa guro. Hinayaan niya munang tapusin ang pag-uusap ng mga ito.

"Sige salamat, Ma'am. Ipapasa ko na lang sa inyo through E-mail," saad ng Tita Esme niya.

"Xylie!" Her heart thumped in anticipation. Inikot niya ang katawan at hinanap ang direksyong pinagmulan ng boses. Si Matty. Matty waved at her and she did the same, her gaze scanning the people beside him.

There he was. Standing with his smile.
He lifted his right hand in the air and slowly waved it.

Napangiti siya at patuloy na kumaway. She heard hooting from his friends before hopping in the backseat of her Aunt's car.

•••

August 19, Saturday

Ibinagsak niya sa kaniyang kama ang buo niyang katawan. Katatapos lang niyang maglakad-lakad sa bakuran ng bahay nila. Well, she wanted to watch a basketball game held at the basketball court near her house. Pero natatamad na siya kaya hindi na siya tumuloy.

Tumingin siya sa kisame saka inilabas ang phone sa kaniyang bulsa.

Makapag-facebook nga.

She scrolled her newsfeed until her eyes found a certain name.

Aldrei Fontanilla.

Napatawa siya ng bumalik sa isipan ang kaalamang nasa iisang subdivision lang sila ni Aldrei. What a small world.

She hastily clicked his profile and scrolled down from his timeline. Stalker, much? She stopped suddenly after realizing what she was doing. Until she saw that green dot beside his name. She clicked the message button.

She thought of words to say to him. Hmm...

Xylie Gomez:
Hello!

Aldrei Fontanilla is typing...

Faded (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon