September 1, Friday
"Hello, Ate Xy!" bati ng isang junior niya sa Arts Curriculum.
"Hello!" bati niya pabalik. Pabalik na siya sa computer lab na nagsisilbing classroom na nila sa kanilang major subject pagkatapos lumabas upang bumili ng makakain. Ang major nila ang naatasan sa sound direction at video presentations para sa isang okasyon sa school kaya bilang isa sa mga nasa higher years ay kailangan niyang maging hands-on sa paggawa ng mga ito.
As she walked through the pathways, her phone suddenly resounded with a ting!
Nilabas niya ito at tiningnan. It was Aldrei!
Baby Drei:
Hey! Wanna watch a game tomorrow?Nawala bigla ang pagod niya ng mabasa ang mensahe nito.
Malawak siyang napangiti na nauwi sa ngiwi ng maalala ang practice nila para sa isang competition sa school. But she couldn't miss it. She couldn't miss a moment she could see him again.
They seldom saw each other and just chatted on Facebook. That school year was both busy for them.
Baby quo:
Yeah. What time?•••
September 2, Saturday
But they didn't really went near with each other on that day. They just smiled and waved from each other when they met gazes.
Until her best friend invited her for a merienda on a mini-resto. Nagulat pa siya ng makita si Aldrei na nakaupo sa isa sa mga tables ng resto.
Ningitian nila ang isa't isa.
"Xy," untag sa kaniya ni Darren, ang best friend niya simula pagkabata.
"Oh?"
"Pahiram ng isandaan. Nakalimutan ko yung wallet ko sa bahay." Nakamot nito ang ulo, ang mukha ay nayayamot pero nagmamakaawa sa kaniyang tumitig.
"No," masungit niyang wika.
"Babayaran ko naman maya." Darren cupped and squished his face with his hands while blinking his eyes. Nagpapa-cute ang baliw.
"Kung sapakin kita diyan. Igagastos mo lang naman sa langyang dota na 'yan," panenermon niya.
"Sige na Xy, please?" Umiling siya.
"Bahala ka Xy. Basta sinabi ko na sayong hihiram ako ah." Napatungo siya ng marinig ang sinabi nito. Nakangisi ang gago habang nilaro-laro sa kamay ang isang pamilyar na keychain... at wallet.
"Binsoy!" Naiinis na sigaw niya sa palayaw nito. "Akin na 'yan."
"Pero hihiram ako ah." Nakangisi pa rin ito. Bigla niyang inabot ang wallet pero sa kasamaang palad ay hindi niya man lang nahawakan kahit dulo nito. Bakit kasi ang bilis tumangkad ng mga lalaki?!
"Binsoy! Akin na yan!" Dinilaan siya nito, nainis siya kaya hinabol niya ito.
Tumakbo naman ito papalayo. Hinabol niya ito nang hinabol. Hindi napansin ang naiinis na titig ng isang lalaki sa kaniya.
Baby Drei:
Ka-sweet niyo lagi ni Binsoy?Unang mensahe nito sa kaniya kinagabihan. Para Naman kinikiliti ang kaniyang kalamnan.
Baby quo:
Bakit selos ka?She finally typed after a minute of savoring the giddy sensation.
Baby Drei:
Bakit ako magseselos?Napaismid siya.
Baby quo:
Ewan ko sayo.
BINABASA MO ANG
Faded (COMPLETED)
Short StoryXylie Gomez has found love in a blink of an eye. But she hasn't prepared herself to see it fade the same way. Taglish. Completed. Copyright © 2021 by @lila-addi. All Rights Reserved.