CHAPTER ONE
"Miss! Miss!" Inis akong napadilat at napatingin sa harapan ko. Nang makita akong gising ng konduktor ay nagsalita siya. "Kanina pa po kayo ginigising eh hindi ka po nagigising, nasa Sta. Ana na po tayo. Pasensya na kung nalagpasan natin ang munisipyo kasi nga kasalanan niyo at hindi kayo agad nagising. Maglakad nalang po kayo pabalik doon..." May itinuro siyang daanan. Nakikinig lang naman ako. "Mga sampung minuto po bago kayo makarating doon."
Nanlaki ang mga mata ko. "10 minutes? Sheyms! Ang layo po noon kuya!"
Tumawa siya. "Ikaw naman kasi, kasalanan mo kasi hindi ka kaagad nagising. Tiisin mo nalang, malapit lang iyan."
"Fine!" Sa inis ko ay nagdadabog akong palabas ng bus. Pasensya nalang kay kuya konduktor, wala ako sa mood.
Hawak ko ang maleta ko ay patuloy parin akong naglalakad. Luminga-linga ako, totoo nga na nasa rural ako, at gustong-gusto ko ang amoy ng fresh air. Everything I see was all green but they have different shades of green. Wala kasing halong usok masyado.
In fairness rin ha? Cemented ang mga kalsada at saka concrete ang bahay ng mga tao dito, may mga gawa rin sa kahoy pero masasabi kong maganda ang mga iyon.
Habang naglalakad ako sa kalsada ay napapatingin sa akin ang mga tao tapos nagbubulungan pa.
If I heard it right? May mga nagbubulungan na... "Uyy! Tingnan niyo iyon, Second version ni Daniela Mondragon." Bulong ng isang lalaki sa katabing babae na nakatayo doon sa medyo malayo sa akin.
Tumaas ang kilay ko dahil marami nang napapatingin sa akin. Maganda ako kaya nila ako tinitingnan.
Napatigil ako sa paglalakad ng sunod-sunod nang maraming tumatawa sa akin. Tumingin ako sa kanila. Nakatingin sila sa likuran ko, sa maleta ko. Tumaas ang kilay ko. "Ano bang problema ng mga ito?" Inis na tanong ko sa sarili ko. I rolled my eyes before getting my phone inside my bag. I dialed my secretary's number while walking.
Opo, ma'am, maganda at maaliwalas po doon, hindi kagaya rito na puno ng pollution. Saka mababait po ang mga tao doon at—
"Po? Ma'am?"
Napatingin muna ako sa paligid at nang walang nakatingin sa akin... "Akala ko ba mababait ang mga tao dito sa probinsya niyo? Ano iyon? Aaminin ko na maganda dito at maaliwalas, pero iyong sinabi mong mababait ang mga tao dito? Joke ba iyon?" Galit na tanong ko.
"Ayy! Ma'am hindi po ah. Mabait po sila, may iba rin pong mga loko-loko. Eh bakit ano po kasing ginagawa nila sa iyo, ma'am?"
Kumunot ang noo ko nang pilit kong inaalala ang sinasabi ng mga tao kanina. "Most of them was looking at my suitcase and they would laugh, they even said that- that I was a second version of that? What was that? Oh yeah...that Mondragon?" I hissed. "Mia? Are you there?"
Nakarinig ako ng malakas na halakhak kaya inilayo ko mula sa tainga ko ang phone ko, nang humina na ang halakhak ng secretary ko mula sa kabilang linya ay ibinalik ko ang cellphone ko sa tainga ko. "What is it? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Inis kong tanong.
"Ayy! Hehe! Sorry po ma'am. Natawa lang po kasi ako. Pagpasensyahan mo na sila ma'am, natatawa sila kasi para ka daw si Daniela Mondragon ng Kadenang Ginto." Bago pa ako makapagtanong ay sinagot na niya ang gusto kong tanungin. "Iyong napapanood po sa television. Iyong may hawak po kasi si Daniela na maleta tapos naglakad-lakad sa kalsada, iyon po iyon. Gusto niyo po ba ikuwento k—"
BINABASA MO ANG
Cassy Gal Valde (Completed)
RomanceFVGH SERIES #7 "Be Beautiful as always. That's my first rule. I have to be beautiful everyday. Work. I love working my ass off. I want to let anyone know that I am capable of being a Chief Executive Officer even though I am a girl. Conceited. I am...