CHAPTER TEN
After Five Months"You should go."
"Mom," Napahilot ako sa noo ko nang maramdaman ko na kumirot iyon, masakit kasi ang noo ko eh.
"It's final."
"Okay, mom. I'm going to date with that guy." Hindi ko naman alam kung sino itong ipapa-date sa akin ng nanay ko, basta ang alam ko ay maka-thirteen ko na itong date with someone simula noong bumalik ako dito sa Maynila.
"Good girl. Uwi ka kaagad mamayang gabi?" Mom asked.
"I'm sorry mom but I have things to do in my office."
"Sige na anak, baka maabala pa kita."
"Yeah, yeah. Bye mom." Sabi ko saka ibinaba ang hawak kung cellphone pagkatapos nagpaalam kay mom.
Mom, Dad and I were okay since I came back home but Cash won't forgive me that easy. I don't know what to do...kung meron sana siyang napupusuhan na babae, edi siya ang gagamitin ko para sa kapatid ko.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. Humahangos na pumasok mula sa loob si Maria. Nakasunod ang tingin ko nang niremote niya ang t.v.
"What are you doing?" I asked while massaging my head.
She didn't answer me so I closed my eyes and focus on massaging my head. Naistress ako kanina kasi naman nasa meeting kami.
"Tama ho ba ang bali-balita na may pinagkaka-abalahan na ang Mayor ng Sta. Ana Cagayan dito sa Maynila pagkatapos ng classroom project niyo?"
"Yes."
Napatigil ako sa paghihilot ng noo ko at pati rin ang katawan ko, pakiramdam ko ay namanhid ang katawan ko.
Napaangat ang tingin ko sa tv at ganoon nalang ang paglakas ng tibok ng puso ko nang makita ang mukha niya.
"I'm currently waiting for my girl...she went here so I came to get her back."
Sino kaya iyon? Si Estrelle ba? Pakiramdam ko ay sumakit sa bandang dibdib ko nang naiisip ko na si Estrelle o di kaya'y ibang babae.
"Sino ho ba ang maswerteng babae na iyan, Mayor?"
I almost leered when I saw the host's hand, fixing her hair, probably nagpapa-cute.
"She's a girl with long hair, tall, and who loves to call m-"
Tumayo ako saka hinablot ang remote kay Maria at pinindot ang off.
Tumingin sa akin si Maria.
"You shouldn't let me watch him, he's mentioning other girl's name."
Tumango siya. "Sorry po."
Tumango nalang ako saka lumapit sa table ko at kinuha ko ang bag ko. Sumulyap ako sa wall clock tapos ay inayos ko ang bag ko bago binalingan si Maria, my personal assistant.
"Call me if there's something wrong." Tapos ay niyuko ko ang bag ko para kuhanin ang sunglasses ko.
"Saan po kayo pupunta?" Tanong niya habang nakatingin sa cellphone niya.
Kumunot ang noo ko pero sa huli ay sinagot ko nalang. "Date, with someone I don't know. Bye!" I wave her goodbye before leaving my office.
Sumilip ako sa opisina ni Mia, na sekretarya ko nang makita ko siyang kumakain ng kalamansi na may asin at suka. "Sarap!" Sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
Cassy Gal Valde (Completed)
RomansaFVGH SERIES #7 "Be Beautiful as always. That's my first rule. I have to be beautiful everyday. Work. I love working my ass off. I want to let anyone know that I am capable of being a Chief Executive Officer even though I am a girl. Conceited. I am...