Chapter 4- His Revenge
After makabili ng undergarments niya, lumabas ako at nilibot yung lugar. Ooops!! hindi ako nakonsensya noh!! NO CHOICE LANG TALAGA!! NO CHOICE!!
Ayyy. tatawag nga pala ang baliw kong bestfriend mags-skype kami.
"Annaisse,you won't fvcking believe what happened!!", agad kong sigaw nang masagot ko ang tawag niya.
"Wow, hah sa tatlong araw mo dyan marami na agad ang nangyari sayo. Kwento mo bilis!", sagot niya.
"I have a big problem. I'm in an arrange marriage fwend. Naipagkasundo na pala ako ng parents ko. At worse pa, grabeh, ang sama ng ugali nung lalaki. Okay naman sa akin kung iarrange marriage nila ako e basta ba gwapo,mayaman at talagang habulin. Pasok na sana e. Nandun na lahat ng katangian na yun.. kaya lang MASAMA ANG UGALI nakakayamot napakasama. Sinunog ko nga ang mga brief", pagkwekwento ko sa kanya at tumawa ako.
"Brief?! Sinunog mo? Anong nangyari nilahat mo? Anong isusuot nun?", tanong niya.
"Yun nga lang ako ang pinabili ni tita", sagot ko natawa siya.
"Hahahaha baliw ka e. nakarma ka tuloy", sagot niya.
"Fwend, di ko na alam ang paniniwalaan ko ang gulo gulo. Hindi pala si Daddy ang Daddy ko. Turns out na ung father ni Leeroy ngayon ang biological father ko",pag eemote ko.
"Sino ba yung Leeroy?", nagtataka niyang tanong.
"Yung gunggong na bastos na fiance ko", sagot ko naman.
"Ano yun ang gulo. magkapatid kayo? e kung magkapatid kayo bakit kayo ikakasal?", gulong gulo niyang tanong.
"Hindi, bale ang real father niya ay si Daddy. Kumbaga nagpalitan kami ng ama", sagot ko.
"Ba't ganun? pumunta ka lang diyan nagkanda gulo gulo na ang buhay mo , bumalik ka na nga lang ng pinas ", suhestyon niya.
"Kung ganun lang kadali naka balik na agad ako. Pero kailangan kong harapin ang lahat ng to", sagot ko na lang.
"Fwend. Audrey, nagpapakatanga ka ba? You just found out that you're living in a lie and within i don't know months, years, days or whatever you will be marrying a guy that you barely even know? They are being unfair to you. Can't you see? pero okay lang sayo ang lahat. Luging luge ka, fwend. Nakausap mo na ba sina Tita?", pilit niya akong ginigising sa katotohanan pero gising na gising ako alam ko ang nangyayari. Wala lang talaga akong pwedeng gawin upang mapigilan. Ayokong magrebelde dahil alam kong mas mapapasama lang ako.
"Hindi ko pa nakakausap si Mommy pero alam mo na kapag si Mommy ang nagsalita gagawin niya talaga. Isa yun sa mga katangiang nakuha niya kay Lolo.. ikakasal na ako this month... ", sagot ko.
"A-ano as in this month? Audrey, I feel bad for you... Pero kilala mo ako Audrey kahit pa magalit si Tita sa akin basta alam ko na nasa tama ako, gagawin ko, ipagpipilitan ko ", sagot niya.
"Teka. anong gagawin mo? Annaisse, ayokong magalit sayo si Mommy. Please, kung ano man ang pinaplano mo wag mo nang ituloy ", at tuluyan na akong naiyak. Sa harap lang ako ni Annaisse umiiyak siya lang ang nakaaintindi sa akin ayokong siya na kaisa isa kong kaibigan ay mawala pa.
"Audrey, wag ka nga umiyak. Trust me. Hindi aabot sa punto na pagbabawalan tayo ni Tita na maging magkaibigan. Just trust me ", paninigurado niya.
"I trust you pero natatakot lang ako na baka--", hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
"You said you trust me. Wag kang mag alala ipaubaya mo na lang sakin ang buo mong tiwala wag kang mag-isip ng negatives. Sige may gagawin pa ako. End ko na. ", sagot niya in a calm tone.
"Sige. Salamat, Annaisse", sagot ko.
"Hah! tumigil ka na nga ng kakaiyak, uhog mo natulo na kadiri ka!! eeew!!! Hahaha Gaga, aba't pinunasan nga ng loka ng kamay. Ako ang bahala don't cha worry . Leave it all to me. Sige Babye na!!", iniend na nga niya at nawala na siya. Kahit pa umiiyak ako napapatawa pa rin ako ng luka na yon. Tinuyo ko ng maigi ang mukha ko para hindi mahalatang umiyak ako. Inintay ko ring mawala ang pamumula ng mata ko, di naman pumugto dahil sandali lang ako umiyak.
Naisipan kong bumaba nagugutom na din ako gabi na.
"Audrey, Nandyan ka na pala kumain ka na. Nakakain na kami pinaakyat ko kanina si Leeroy para tawagin ka, may kausap ka daw", pagyaya sa akin ni Tita.
"Ahh. kausap ko po si Annaisse ", sagot ko na lang. Hindi na sumagot si Tita. Kumain na ako.
"Pasensya na wala akong magawa, pati kayo nadamay pa dahil sa mga kasunduan ng magulang nyo", biglang sinabi ni Tita.
"Wag po kayong magalala,Tita. Ayos lang po . Wala naman po kayong kasalanan katulad namin napilitan lang din kayo", sagot ko.
Matapos kumain ay nagpaalam na din ako na matutulog na ako.
Pagpasok ko pa lang ng kwarto parang may kakaiba na. Amoy pabango ng lalaki. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at dumiretso sa computer. Hindi ko pala nai log out ang wattpad ko. Titingnan ko lang ang mga reads ng story ko kung may nabago ba.
WHAT THE ?!?! SHIT!!
Nawala lahat ng published works ko. Pati ang Drafts!!!
Isa lang ang pwedeng gumawa nito!!.
Si Leeroy lang..
Sa dami dami ng higanti na gagawin niya bakit yung wattpad ko pa?? wala akong back-up nung stories. Naiiyak na naman ako this is shit. Sa lahat ng mga bagay, isa ang wattpad sa kahinaan ko.
Pinatay ko na ang computer. At dumiretso na ako ng higa sa kama. Hinang-hina ako. Nakakapanglumo. Lahat ng mga storyang pinaghirapan ko nawala lang ng isang iglap.
I buried my face in my pillow and cried myself to sleep.
- - - - -End of Chapter 4
Vote & Comment :)
Haaayyy. Eto na nga. Haha. Hayyy.. What if sa inyo mangyari yung nangyari kay Audrey nakakapanlumo yon pramis.
Ano kayang plano ni Annaisse? Dadaanin kaya niya sa santong dasalan o sa santong paspasan ang Mommy ni Audrey?
Abangan ang Next Chapter.
-kimathynza®
©kimathynzastories®
BINABASA MO ANG
Telephone Booth(On Going/On Hiatus)
Подростковая литератураWhat would you do if you figured out that the guy that harassed you in a telephone booth... was the guy that your family and relatives want you to spend your lifetime with..Even if you didn't like each other, let's say,you both hate each other. And...