Chapter 5- The Obsessed Stalker

24 5 0
                                    


Chapter 5- The Obsessed Stalker

Walang magawa... kailangan ko ng hangin. Nakakaboring ilang araw na din akong nakakulong sa bahay. I need fresh air.

Makapag gala na nga lang.

Hindi ko pinapansin ung baliw parang hangin lang siya kapag nasa bahay. Ayoko nang lumala pa ang gulo namin lalo pa't within 1 month magiging asawa ko na ang abnormal na yun.

Pinagkaabalahan ko na lang ang mga halaman. Ayokong hawakan baka kasi mamatay pero ang ganda talaga. Ewan ko ba may special powers atang taglay ang kamay ko hindi kasi ako makapag-alaga ng halaman. e pano ba naman kapag hinawakan o diniligan ko ang halaman namamatay.Nakakayamot di ba?Gusto ko lang naman silang alagaan.Tapos ganun :3

"Hi!",may boses ng babae akong naparinig. Napalingon naman ako.

"A. Hi?!", alanganin kong sagot. Sino ba to' di ko naman kakilala.

"Do you live in here?", tanong niya.

"Ah, Yes. Why?", sino ba to? pakialam niya kung dito ako nakatira.

"What's your relationship with Leeroy?", ay talagang straight to the point?.

"Who are you anyway?", alangan namang sagutin ko agad ang tanong niya di ko pa naman siya kilala.

"Oh sorry I forgot to introduce myself.. I'm Ericka", sagot niya. Ericka? Ericka? Ericka?

hmmm.. familiar name. Sino nga ba yun?? Ayun. sya yung stalker nung baliw kong fiance.

"Ah. I'm Audrey. Leeroy?? ,we're just sharing the same house", sagot ko. Aba mahirap na baka kung ano pang magawa sa akin nito.

"Why?", tanong muli niya. Ano ba kelangan pa bang malaman kung bakit?

"Because he's living with my aunt and I'm on my vacation here. Is there something wrong?", maang maangan kunwari.

"No. There's nothing wrong I'm just curious", sagot niya. Sus, if I know gusto mo lang maging close kay Leeroy para mapa-ibig mo siya. As if naman mapaibig mo. . hahaha .

"Oh, okay", sagot ko na lang. Wala naman akong masasabi e.

"Uh. Can we be friends?", tanong niya.

"Friends?! Okay.", sagot ko. Aba alangang sabihin kong NO . Ambastos naman di ba.

"Uh, Leeroy is your , what?", tanong ko.

"He's my ...uhh.... uhh.. I Like him ,a lot, like a lot", sagot niya.

"I see... So... You love him??", tanong ko. di ba like a lot daw e parang love na din naman ata yun e.Ewan ko.Di pa naman ako naiinlove, yun lang ang pagkakaalam ko.

"Not really, but close enough", sagot niya. Parang ang pangit tingnan na dito kami sa labas nag uusap.E kung papasukin ko kaya siya sa loob. Wala namang masama.

"Do you want to come in?", tanong ko. Nakita ko namang sumilay ang isang mahabang guhit sa mga labi niya.

"Of course", sagot niya. Sabi na nga ba at magdidiwang itong babae na to' e. Pasalamat siya mabait ako. haha.

Pumasok na nga kami. Pinaupo ko siya sa sofa sa salas. Kumuha ako ng juice para sa kanya. Ang ilong ko.. nosebleed na nosebleed na ako sa pakikipagdaldalan sa kanya. Okay na din to atleast may nakakadaldalan akong babae,yun nga lang di ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano ang tunay na relasyon namin ni Leeroy sa isa't isa. May napakinggan akong mga yabag. Di kalaunan ay may nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?!", gulat na sabi ng lalaking bumababa sa hagdan.

"Leero-", salubong naman sa kanya ni Ericka,na may ubod ng lapad na ngiti.

"What is she doing here?",tanong niya sa akin habang nakaturo pa kay Ericka.

"Ericka, get out of this house", utos niya kay Ericka.

"Ano?! Anong karapatan mong paalisin si Ericka? bisita ko siya kaya wala kang karapatan na paalisin siya dito", sigaw ko sa kanya.

"Wala akong pakialam. Alam mo ba ang ginagawa mo? Gusto mo bang mapahamak? Nilalagay mo lang ang sarili mo sa panganib", sagot naman niya.

"Wala kang pakialam sa mga gusto kong gawin. Mind your own business", sigaw ko sa kanya.

"Okay guys, I think it's better if I just leave",pagsingit ni Ericka.

"Yes, just leave it'll be better", sagot naman sa kanya ng baliw. Like what the--- napakabastos niya.

"I'll go ahead I guess, bye. Thanks for the talk,Audrey. Maybe next time again",paalam niya.Wala na akong nagawa mukhang di ko na naman din siya mapipigilan.

"Okay, thanks. till next time again", sagot ko na lang sa kanya. Umalis na din naman siya. Nabalik naman muli ang atensyon ko sa Leeroy na to'.

"Ang bastos mo!!! pinalayas mo ang bisita ko!! Napakawalang modo mo!! Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo!! wala kang kasing bastos!!", sigaw ko sa abot ng makakaya ko.

"Tanga ka ba Audrey?! hah?? Stalker ko yung pinapasok mo, sa tingin mo kapag nalaman nung fiancee kita anong gagawin non? Mapapahamak ka. Dagdag ka pa sa intindihin ko",sigaw niya pabalik.

"E di wag mo kong intindihin. Hindi naman ako nagpapaintindi sayo e. Tigil tigilan mo nga ako. Sabing 'mind your own business'", sagot ko. At naglakad na pabalik sa kwarto.

"Audrey, fiancee kita kaya dapat kitang ingatan. Hindi mo ba naiintindihan?", pahabol niyang sagot. Yeah,right.Fiancee mo ko kaya dapat mo kong ingatan. Obligasyon mo yun e. Tss.

"Whatever!!", sigaw ko sabay sara ng pinto.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Si Annaisse tumatawag through facebook. Agad ko namang sinagot.

"Fwend!! Good News!!! Napapayag ko ang iyong Mother na wag muna kayong ipakasal. Kapag 18 na lang daw kayo!! Hindi ka ba masaya?", bungad sa akin ni Annaisse.

"Of course, masaya ako para dun. badtrip lang ako,fwend", sagot ko.

"Ahh.. kaya pala . Sige ,fwend. I just called to let you know. May gagawin pa ko e. Bye. Lab you fwend", sagot niya.

"Sige bye din,fwend", sagot ko na lang at naputol na din ang linya.

Haayy.. nakakapagod. Matutulog na muna ako.

----

End of Chapter 5

----

hiii.. sooo... ano sa tingin niyo?

sarap pa ring kausapin ng sarili ko hahahaha :)

. pinagbigyan sila na kapag 18 yrs old na sila ikakasal, salamat sa ating mabait na kaibigan na si Annaisse :)

At kamusta ang ating obsessed stalker. nagpaplastikan lang ba ito kay Audrey o talagang ganoon lang ang ugali niya? Alamin sa mga susunod na kabanata. :)

vomment pa rin kung gusto nyo :)

-kimathynza®
©kimathynzastories®

Telephone Booth(On Going/On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon