Chapter 6- Her Arrival

19 3 2
                                    

Chapter 6- Her Arrival

Haaayyysss... todo linis kami ng bahay. Bukas kasi dadating si Mommy. Dadalawin daw kami dito. Si Tito Edward ang susundo sa kanya bukas.

Teka may pag-asa pa. Kung ayaw talaga ni Leeroy magpakasal sa akin. Papayag siya sa plano ko for sure.

"Leeroy!", sigaw ko sa kanya.

Naglilinis siya sa bakuran. Inaayos niya ang mga halaman. Buti pa siya walang magical hands. Samantalang ako. Tsk. haay. Tumingin naman siya.

"Bakit?", sigaw niya pabalik.

Sumenyas ako sa kanya na lumapit siya. Lumapit naman siya. Hinigit ko ang tenga nya,hindi ko kasi abot.

"Aaaray.. masakit. Anu ba yan?", reklamo niya. "May ibubulong lang ako sayo", sagot ko.

"May ibubulong ka lang. Kailangan pa talagang higitin ang tenga ko.Masakit hah.Pwede namang sabihin mo na lang at ako ang yuyuko", iritable niyang sabi.
"Ang arte mo,bakla ka ba?.....
That's it!! Di ba ayaw mo namang mapakasal sa akin diba. Ganito.Pagdating ni Mommy...", sinabi ko sa kanya ang plano ko.

"Good luck", sabi ko sa kanya.

***
"Mommy!", salubong ko kay Mommy.

"Andrea", sinalubungan niya din ako ng yakap. Humiwalay siya at nakatingin sa may likuran ko.

"And you must be Leeroy", sabi niya. Lumapit naman si Leeroy sa kanya.

"Yes, Ma'am. Nice to meet you po", inilahad ni Leeroy ang kanyang kamay. Tinanggap naman ito ni Mommy.

"Nice to meet you din,iho. Just call me Mom, cause you'll be my son in the future ", sabi naman ni Mommy.

"Ah. Let's go inside na po", pagyaya ko sa kanila. Pumasok na kami.

"Maganda ang bahay. Simple lang ", komento ni Mommy.

"Tita, kumain na po kayo. May hinanda po kaming pagkain para sa inyo ", pag-aalok ni Leeroy.

"Oo nga po, Mommy. Mommy, maalam na po akong magluto ", pagbibida ko. Pero hindi ako yung nagluto ng pagkain si Leeroy.Masarap kaya yung magluto. hahaha.

"Leeroy, please call me Mom. And Andrea, really? so, you cooked the food?", tanong ni Mommy.

"Hindi po ako.Si Leeroy po. Student pa lang po ako haha. Si Leeroy po teacher ko", sagot ko. Napatawa naman si Mommy. Napatawa ko si Mommy? after a long time. The last time I saw her laugh and smile like that is nung 12 years old ako.

"Mamaya, mamamahinga muna ako. Nakakapagod ang byahe", sabi ni Mommy at dumiretso siya sa sofa upang magpahinga.

"Mom, iaakyat ko lang po sa taas yung gamit niyo", pamamaalam ni Leeroy.

"Go ahead. Thank You", sagot naman ni Mommy.

"Mommy, pupunta lang po akong kusina", paalam ko, at nagpunta na nga ako sa kusina.

"Audrey, maglalaba ako. Saan sa kwarto mo ang mga hinubad mong damit? isasabay ko na", tanong ni Tita na kalalabas lang ng banyo.

"Kokonti lang po yun. Nakasampay po sa banyo", sagot ko. Dumiretso na din si Tita papunta sa taas.

"Ano nga yung kukunin ko?", tae naman o nakalimutan ko pa kukunin ko. Inisip ko ng inisip pero wala pa rin.

"Audrey, Leeroy", napakinig ko ang boses ni Tita. Siguro nakita na niya.

"Po?!", pumunta ako sa living room. Lumabas si Tita sa kwarto ni Leeroy.

"Bakit may ganito sa kwarto ni Leeroy?", tanong ni Tita at itinaas ang hawak niya. Bra at Panty ko. Nilagay ko yun para sa plano.

Telephone Booth(On Going/On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon