PROLOGUE

14.7K 239 14
                                    

Note: Medyo ma-drama po ang chapter na 'to. Pero sana maintindihan niyo kasi dito magsisimula 'yung story, tsaka parang ito yung magiging foundation ng kwento. Basta, mga ganung factor. Haha. O siya, basa!

----------------------------------------

Andy's Point of View ~

Hindi ko alam kung dapat ba akong magsaya ngayong araw o hindi.

Ngayon ang araw ng graduation ko sa high school. Natutuwa ako dahil nakapagtapos ako nang may karangalan. Ako ang class salutatorian ng batch namin.

Marami akong awards na nakuha. Pero hindi ko magawang maging lubusang maligaya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi lumuha dahil nakakahiya naman sa ibang tao.

Nalulungkot ako, gusto kong umiyak.

Bakit?

Kasi ang taong dapat na sasama sa'kin sa pag-akyat sa stage para tanggapin ang mga karangalan ko, ang taong nagpakahirap para lang buhayin at pag-aralin ako, andun sa ospital. Nakaratay. Nanghihina.

Si Mama Joanna.

Hindi niya na nagawang makapunta sa graduation ko. Gustuhin niya man, hindi niya magagawa. Hindi na kaya ng katawan niya.

Gustong-gusto ko nang matapos agad yung program para makabalik na ako sa ospital. Hindi kasi maalis sa isip ko si Mama Joanna. Kumusta na kaya siya?

-

Si Mama Joanna ang kumupkop sa'kin at kinilala kong ina. Siya ang tumayong magulang ko mula nung iwan ako ng tunay kong ina na ngayon ay hindi ko alam kung nasaan.

Ayon sa mga kwento sa'kin ni Mama Joanna, dating matalik na kaibigan niya ang tunay kong ina. Kristina ang pangalan niya.

Dati daw nagtatrabaho bilang isang receptionist sa isang hotel sa probinsya ang totoo kong ina. Marami daw magagandang lugar at tanawin sa probinsya na yun kaya laging maraming pumupuntang turista. Dun nakilala ng ina ko ang tunay kong ama. Isang Amerikano na noo'y nagbabakasyon. Nagkakilala sila at nagkapalagayan ng loob.

Mistisa ang nanay ko kaya naman marami daw ang nagkakagusto sa kanya nung kabataan niya. Pero mas pinili niya yung Amerikano kong ama.

Isang beses lang may nangyari sa kanila pero nagbunga agad yun. Ako.

Mistisang ina at Amerikanong ama? Ako ang resulta. Kaya hindi maipagkakaila sa itsura ko na meron akong dugo ng ibang lahi. Sabi ni Mama Joanna, kamukhang-kamukha ko daw ang ama ko.

Nabuntis ang ina ko nang wala sa oras. Hindi niya inakala na sa isang beses na may nangyari sa kanila ng ama ko ay may mabubuo.

Hindi siya pinanagutan ng ama ko. Bigla na lang daw itong nawala pagkatapos na may nangyari sa kanila. Ni hindi na nga yata nito nalaman na nakabuntis pala siya.

Medyo bata pa nung nabuntis ang ina ko kaya naman nagalit sa kanya ang pamilya niya, ang lolo't lola ko na hindi ko na rin nakilala.

Naglayas siya at dun tumuloy sa apartment na tinitirahan ni Mama Joanna nung mga panahong 'yon.

Sobra siyang na-depress, laging nakatulala at halos hindi na kumain.

Itinuring niya akong isang malaking pagkakamali.

Ilang beses din daw niyang sinubukang ipalaglag ako. Kung hindi dahil kay Mama Joanna, baka hindi na ako isinilang sa mundong ito.

Nang maipanganak ako ay nagpasya ang ina ko na mangibang bansa para magtrabaho, para raw maibigay ang mga pangangailangan ko.

My Brother, My Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon