Four

7K 212 41
                                    

Maaga akong nagising. First day of school ngayon.


College na 'ko.


Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko.


Ano kayang mangyayari sa school ngayong araw? May the odds be ever in my favor.


Pagkatapos kong maligo ay humarap ako sa salamin at isinuot ang school uniform ko: black pants, white long-sleeved shirt at red neck tie, black coat, pocket square black leather shoes, at para sa final touch, name plate.


Nung masiguro kong presentable na ang itsura ko ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.


Inabutan ko sa dining area si Mommy na nakabihis na rin para sa lakad niya.


"Good morning, Mommy." Humalik ako sa pisngi niya.


"Good morning, anak." Nakangiting sabi niya. "You look so fine in that uniform."


Nahihiyang ngumiti na lang ako at naupo para mag-breakfast.


Maya-maya'y dumating na rin si Justin. Ugh. Ang gwapo niyang tignan sa uniform. Parang ang linis-linis at ang bango-bango.




-




"Justin, you drive safely, okay?" Paalala ni Mommy kay Justin nung pumunta kami sa may garahe para umalis na.


"Of course, mom." Sabi naman ni Justin.


"Okay," sabi ni Mommy. "You, two, take care."


Humalik kami sa pisngi ni Mommy.


"Bye, Mommy." Sabi ko.


"Have fun in school." Sabi ni Mommy.


Si Justin ay nauna nang sumakay sa kotse at binuhay ang engine nun. Ang ganda nung kotse niya. Isang itim na Lexus GS 450h. Bagay na bagay sa isang gwapong tulad niya.


Nagpaalam na ulit ako kay Mommy at pumasok na sa loob ng kotse.


Dun ako pumwesto sa may backseat.


Bago pa man ako makaupo nang maayos at maisara ang pinto ng kotse ay biglang nagsalita si Justin.


"Are you kidding me?" Magkasalubong ang kilay na sabi niya sa'kin.


Tinignan ko naman siya na parang naguguluhan sa sinabi niya. Ano na naman bang problema ng lalaking 'to?


My Brother, My Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon