Thirteen

4.2K 109 84
                                    

Andrew's Point of View ~



Monday sickness.

I woke up 20 minutes later than usual.

I wish I could just skip school today.

Ewan ko ba kung ba't parang wala akong ganang pumasok.

I checked my phone. May isang text galing kay James.

'Rise and shine, my sunshine. :)'

Nung mabasa ko yun medyo nagkaroon ako ng energy.
Nag-reply lang ako kay James, pagkatapos ay naghanda na ako para sa pagpasok.

Nagmadali akong bumaba, di na ako nag-almusal kasi male-late na kami. Sa school na lang ako kakain.

Pagdating ko sa sala ay naabutan kong nakaupo si Justin sa sofa.

Nung makita niya ako ay tumayo na siya. Saglit na tinignan niya yung relo niya tapos tumingin siya sa'kin na para bang gusto niyang magreklamo kasi ang tagal ko.

Pero di siya nagsalita.

Lumabas na siya ng bahay at dumiretso sa garahe.

Pagkasakay ko ng kotse at pagkasuot ko ng seat belt ay agad na nag-drive si Justin.

Sobrang tahimik at napaka-awkward na naman ng atmosphere.

Ilang araw na kaming ganito.

Minsan gusto kong magpahatid na lang sa driver kesa makasabay si Justin.

Hay ewan.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay biglang nag-ring ang phone ko.

Si James, tumatawag.

Nagdalawang-isip pa ako kung kakausapin ko ba si James habang kasama ko si Justin.

Pero sinagot ko pa rin yung tawag niya.

"Hey," bungad ko.

'Hello Andy,' masiglang bati ni James sa kabilang linya. 'Kumusta?'

'I'm doing good, thanks,' sabi ko. 'Ikaw? Kumusta?'

'Eto. Inspired.'

'Wow. Parang ang saya mo yata,' sabi ko.

'Oo naman. Kausap kasi kita.'

Di ko napigilang ngumiti. 'Talaga ba?'

'Yup. Asan ka na? Malapit na first class mo ah.'

'On the way na. Medyo na-late ako ng gising e.'

'Bilisan mo na. Miss na miss na kita. Gusto na kitang makita.'

'Loko. Kahapon lang magkasama tayo.'

'Basta gusto na kitang makita.'

Kung ano-ano pa ang pinagsasabi ni James na nagpangiti sa'kin. Nakakaganda ng araw.

Nagulat ako nang biglang pinaharurot ni Justin yung sasakyan. Sa gulat ko nabitawan ko yung phone ko.

"Hey," sabi ko habang pinupulot ko yung phone ko. "Dahan dahan naman."

Magkasalubong ang mga kilay ni Justin. "What? Gusto mo bang ma-late?" Sabi niya nang walang tingin-tingin sa'kin.

"Ayokong ma-late. Pero ayoko ring mamatay." Sabi ko. Tinignan ko yung phone ko. Naputol na pala yung tawag. Tinext ko na lang si James para di niya isipin na binabaan ko siya.

Di na ako kinibo ni Justin hanggang sa makarating kami sa school.

Good thing di naman ako na-late. Kasabay ko lang pumasok ng classroom yung professor namin.

My Brother, My Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon